Yugi's POV
Nang dumating ako sa bahay, nanood ako ng TV, pero siya lang talaga ang naiisip ko. Bakit siya umiyak?
Tenext ko siya.
Ako: Oy, sorry na.
Siya: gusto mo talaga na patayin ako.
Naguilty naman ako. Gusto ko naman talaga na patayin siya pero bakit pagkatapos ko siyang makita na umiyak kanina, bakit parang ang sama-sam ng loob ko! Hindi makatao ang ginawa ko? Pero bampira siya at hindi dapat nabubuhay ang bampira!
Kinabukasan ng hapon, pinuntahan ko siya ulit. Dumiretso nalang ako ng pasok sa bahay nila. Nakaupo siya sa sofa.
"Sada—Leah... wag ka na magalit sa akin. Ito oh, peace offering!"
Binigay ko sa kanya ang dala ko at tinanggap naman niya.
"Ano to?"- siya
"Atay at dugo ng baboy"
Ngumiti siya na nauwi sa tawa. Nakitawa din ako sa kanya.
"Mas gusto ko pa rin ang atay at dugo ng tao"- siya
Ngiting-aso nalang ako. Tapos napansin ko na parang luminis ang paligid. Wala na ang mga nagkalat na mga boto-boto tas ang mga agiw-agiw kahit pa na nandiyan pa rin ang ataul at mga kalabira at mga manika na nakakatakot.
"Leah, Puti lang ba na bestida meron ka?"-ako
Tumango siya.
"Para ka kasing white lady eh"
Natahimik siya ng saglit.
"Samahan mo ako mamili, Yugi"
"Ha????"-ako
"Bakit?"
Napalunok ako.
"Kung gusto mong umiba-iba ako ng damit, samahan mo ako bumili."
"B-baka patayin ako ni Matteo"
"Sa malayong mall tayo mamili"-siya
"S-sege"
Lumabas ako ng gate nina Matteo ng makita ako ng katulong sa kabilang bahay.
"Hijo, wag ka masyado napupunta diyan sa bahay na 'yan...may nakatira diyang masamang espiritu!"
Ngumiti ako. Ngiting aso.
"Gustuhin ko man po, wala na akong magagawa."
"Harujusko!"
Ta's agad itong nawala sa harap ko dahil natakbo papasok sa bahay nila.
Tatanggapin ko nalang talaga siguro na buong puso na may kaibigan akong bampira. Ay mali, girlfriend ko pala siya!
Hay buhay na mapait pa sa amargoso!
Yugi's POV
Sabado ngayon! Walang pasok. Mamaya...pupunta na naman ako kay Leah. Pero kailangan tawagan ko muna siya para malaman na wala na doon si Matteo. Ano ba naman ito? Para kaming mag-lovers na dalawa tas nagkikita lang kung wla ang tatay niya. Mabuti sana kung normal na tao ang girlfriend ko, eh bampira pa naman!
"Babe, did you already buy your gift for Kayl?"-si ate Yuma na naghahain ng breakfast naming.
Napakunot ang noo ko.
At tsaka ko lang naalala!
Shettt... today's Kayla's birhthday!
"What time daw po tayo punta doon, ate?"- ako
"Around 6 kasi 6 ang dinner eh."
Fudge naman!
Ano nalang ang sasabihin ko kay Leah? Eh, pupunta pa iyon ng sementeryo eh!
Pumasok ako ng room at tinawagan siya.
"Hello?"-siya
"Hello"
"Bakit?"-siya
"Kasi...ahm, hindi ako makakapunta mamaya diyan."
Walang sagot.
"Hello?"- ako
"Okay lang"-sabi niya at pinatay na ang phone niya.
Bakit pinatay? Hindi pa nga ako nag-explain eh.
Dinayal ko ulit number niya.
Hindi niya sinagot.
Dinayal ko ulit, wala sagot.
Ano ang inaarte ng bampira na ito?
Tenext ko lang siya.
Ako: I have to attend my friend's birthday party.
Siya: k
Huh?? K? k lang? woman's dictionary. K- when a woman is not in the mood to argue you. But It doesn't mean that everything's fine.
Bahala siya.
Pero...pero..
Bahala na nga siya! Kahit sumama man ang loob niya!
Bahala siya!
"May kaaway ka babe?"si ate
"Wala"
"Hmmm...mukhang may inililihim ka na ah."
Sasabihin ko ba kay ate na may girlfriend ako pero bampira naman? Na ang girlfriend ko kumakain ng atay, umiinon ng dugo at kalaro pa si Anabelle?
Wag nalang muna.
"Wala talaga, te"
Ngumiti lang siya.
"Ikaw, hindi ka ba kinukulit ni Paolo sa text ate?"- ako
"Hahahaha, ay naku. Don't worry, Yugi...wala sa bokabularyo ko ang boyfriend, lalo pa sa isang katulad ni Paolo."
Napangiti ako. Bleeehhh... Maaasar na naman nito si Paolo kung sasabihin ko sa kanya!
Bumili kami ng gift kay Kayl. Pero hindi mawala sa isip ko ang bampira. Ano kaya ang gingawa niya ngayon? Nakakulong lang din sa bahay nila at maglaro kay Anabelle! Psh!
Nakakita ako ng isang snowball. Sa loob isang estatwa ng maliit na babae at lalaki na nakaupo sa sofa. Naalala ko siya. Bibilhin ko kaya ito para sa kanya. Para malaman niya na totoo na talaga niya akong kaibigan at hindi na siya lagi mag-iisa dahil kung malulungkot siya, sasamahan ko siya.
Napatigil ako. Bakit ganoon naman ang iniisip ko? Bakit naawa ako sa kanya? Nakokonsensiya siguro ako dahil hindi kami makakalabas ngayong dalawa. Mukhang excited pa naman siya pumunta sa sementeryo.
Kinuha ko para bilhin.
"That's your gift for Kayl?"- tanong ni ate.
"Nope, ito para kay Kayl"- pinakita ko ang isang silver bracelet.
"Kanino pala yan?"
"Ah... for..for someone else."-sabi ko sabay talikod. Alam ko kasi na makikita ko ang ngiti niya. Ngiting may ibig sabihin.
Kunting salo-salo lang ng mga close friends and members of family ni kayl ang birthday niya. Kumain lang kami at nakisaya ng kunti tsaka umuwi.
"You don't like Kayl, babe?"- si ate
"Ha? Ate... we're just friends you know!"- ako
Nagkibit siya ng balikat. " Well, napansin ko lang na iba ang treatment ni Kayl sayo."
"Syempre! We are bestfriends!"-ako
Tumango-tango lang siya.
"Pero paano kung gusto ka niya? Would there be a chance for the two of you?"
"Wala. Because we are just friends. Kung ano ang naiisip mo, ate."-ako
Napangiti lang siya. "Let's see."
��@�-�
![](https://img.wattpad.com/cover/16298769-288-k619251.jpg)
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...