Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

When "li'l thing" strikes

541 30 4
                                        

Lei's POV

Pinalitan ko ng damit si Chelsea at si Anabelle. Mukha kasing matagal na silang di nabibihisan at baka magustuhan naman sila ni Yugi kung nakabihis na sila.

Biglang kumulog.

Parang bomba na sumabog sa kalangitan.

Nabitiwan ko si Chelsea para takpan ang tenga ko.

Pero hindi natigil ang kulog tapos may kidlat pa.

Natakot ako.

Naalala ko ang dati.

Sumiksik ako sa sulok ng sofa, hindi ako makatayo para magkulong sa kabaong ko. Natatakot ako gumalaw baka kasi biglang kumulog at matamaan ako ng galit ng langit.

Umiyak ako.

Natatakot ako.

Sam... sana nandito ka... Sam... forgive me. I should have gone with you.

"Lei! Lei!"

Si... Yugi.
Pero hindi ako sumagot.

Nakita niya ako. Medyo nabasa siya.

"Lei! Ano ginagawa mo diyan?"

Hindi ako sumagot.

Biglang kumulog.

Lalo akong napasiksik sa sofa.

Lumapit siya sa akin.

"Hey, takot ka sa kulog?"

Hindi pa rin ako sumagot.

Umupo siya sa harap ko. He opened his arms.

"Common, hug me." Sabi niya.

Hindi na siya natatakot sa akin? Tinignan ko lang siya. Kinuha niya ang mga kamay ko na nakasiksik sa pagitan ng tuhod ko at dibdib.Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap.

Kumulog ulit.

Nayakap ko siya ng mahigpit. Napakahigpit din ng yakap niya sa akin.

Tahimik ako na umiyak sa dibdib niya while he was rocking me like a baby and whispering into my ear.

"Shhh... tahan na... tahan na... andito na ako." Siya. I felt safe inside his arms. I don't know much about him but deep inside my heart I know my heart believes in him.

I don't know kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon pero hindi siya nagreklamo. Hanggang sa tumila ang ulan, natapos ang kulog at kidlat.

Yugi's warmth soothed me that I was tempted to sleep but I knew I shouldn't.

Kumawala ako sa kanya.

"Thank you, Yugi."

"It's okay. Mula ba bata takot ka sa kulog? Paano kung umuulan?"

"andito naman si Kuya."

"paano kung wala siya, like today?"

"I keep my head and feet close until the rain stops."

Malungkot siyang ngumiti.

"Kung wala si kuya mo, tawagin mo ako ha, Lei?"

Napatitig ako sa kanya.

He was looking at me intently. And I noticed that beyond friendship, Yugi's eyes offer something more. And I'm so afraid to name that.

"Wag, Yugi." Mahina kong sabi.

"Bakit?" siya. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.

"Because... I should just be contented to live on my own.I'm different."

Hinila niya ako ulit at niyakap. Then he whispered.

"Turn me into a vampire then."

Bigla ko siyang naitulak at tumawa ng tumawa.

Napangiti siya.

"Bakit?" siya

"Would you like to eat liver and drink blood?"

"I think... I'll get to use to it."

Napangiti lang ako.

A/N: See ya!

Please read "This guy's in love with you, Pare." Completed na po iyon. You'll enjoy it. Promise. hehehe.

My weird girlfriendMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon