Yugi's POV
Dahil nagugutom daw siya, pinabili ako ng makakain. Dahil sa dirty ice cream lang ang nakita ko na malapit sa amin bumili ako.
"dalawa po ice cream sa cone"
Binigyan naman ako ng mama ng dalawang tagsasampo. Ta's bumalik na ako sa kanya.
Eh, natutunaw na 'yong ice cream niya sa kamay ko dahil medyo malayo layo ang kinaroroonan namin. Dinilaan ko ang ice cream niya para di matunaw sa kamay ko. Malagkit pa naman.
0.0
Tsaka ko lang narealize baka ayaw niya kainin! Sa kanya 'to eh.
Nang makarating ako. Binigay ko sa kanya.
"Natutunaw na." sabi ko nalang pero di ko sinabi sa kanya na dinilaan ko nang ilang beses ang ice cream niya.
Tinanggap naman niya.
Ta's tinignan niya lang. Hindi nga kinain!
"Where did you buy this?"
"doon, masarap kaya" sabi ko sabay dila ko sa ice cream ko.
Tinignan niya lang ang ginagawa ko.
Ta's dinilaan din niya ang sa kanya!!
"Hmm... not bad. I've never tasted dirty ice cream before."
"Talaga? First time mo 'to?"
Tumango siya habang kinakain na niya ice cream niya.
"Ang dami ko pang bagay ang hindi nasusubukan"- sabi niya
"katulad nang?"
"marami. Like pagsakay sa MRT o-"
"Ay naku! Wah mo na pangarapin. Mamatay ka sa siksikan."
"O di kaya sa tren"
"Sus, ganoon din 'yon, siksikan."
"LRT"
"Maraming tao, Lei."
Tumango siya. "Kaya nga I've never tried." Malungkot niyang sabi.
"Marami ka namang nagawa na di nagawa ng normal na tao."
"Yeah. But life is a continous learning. Life is unending adventure. Pero di ko nagagawa iyon."
"Paano kasi, nagkulong ka sa kwarto mong kakatakot. Bakit 'yong ibang mga bampira at aswang naman, lumalabas sa araw at nakikipagsalamuha na parang kunwari normal lang silang tao. Dapat ganoon ka din."
"Baka matakot ang mga tao sa akin."
"Dapat kasi, inaayos mo ang sarili mo. Ipakita mo ang mukha mo at makisalamuha ka. Di naman nila malalaman na bampira ka eh."
Napatingin siya sa akin at parang pinipigilan ang ngumiti. Hindi na siya kumakain ng ice cream niya kaya parang matutunaw na.
"Bakit?"- ako
Napailing siya.
Hinawakan ko ang kamay niya na may hawak ng ice cream.
"Natutunaw na" sabi ko sabay dila sa ice cream para hindi matunaw sa kamay niya.
"Ayan, kainin mo kasi." Sabi ko
Tas kinain ko na rin ang natira ko. Nang tignan ko siya. Nakatingin lang siya sa ice cream.
"Bakit?" ako
"Dinilaan mo ang ice cream ko."
Napakamot ako sa ulo. Fudge! Nga naman!
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...