Yugi's POV
Umuulan. Mababasa ako kung aalis ako ngayon dahil nakamotor lang ako.
Pumasok ako ng library kahit ang totoo, di naman talaga ako dito napunta. Mas madalas pa nga ang blue moon lumabas kaysa sa magbisita ako ng library eh.
Doon ako sa kasuluksulkan kumuha ng libro. Ta's naupo lang ako sa semento, doon sa part ng library na din a masyado pinupuntahan ng mga students.
Kinuha ako ang phone ko.
Sasagutin niya kaya?
Dinayal ko ang number niya.
Toot...toot..toot
Then she picked up!
Nagulat pa ako ng sinagot niya dahil akala ko maririnig ko na naman ang boses ni miss operator.
"Hello? Lei?" sabi ko ng mahina lang dahil nasa library nga ako.
Hindi siya sumagot.
"Lei? Ikaw ba yan?"
Hindi pa rin siya sumagot pero narinig ko ang paghinga niya sa kabila. Malungkot akong napangiti.
"okay lang, kahit wag ka sumagot. Makinig ka nalang. Lei...namiss kita. Sorry talaga. Alam ko galit ka pa sa akin, naiintindihan ko, pero wag naman matagal, ha?"
"Nagbabasa ako ngayon ng books" ta's tinignan ko ang books na nakuha ko. Percy Jackson. " Ang title ng book ay Percy Jackson- The Lightning theif.Alam mo ba, paborito ko ito. Ang totoo, dito ko nga nakuha ang pangalan ni Annabeth eh pero Babasahin ko 'to ulit ta's kukwentuhan kita kasi di ba... gusto mo na kinukwentuhan kita."
Walang sagot.
"Lei... pupuntahan kita diyan mamaya ha. Kahit na nasa labas lang ako at kung...nabawasan na ang galit mo sa akin...kahit kunti lang... hawiin mo ang kurtina...sa ganoon malaman ko na malapit mo na akong mapatawad... ha, Lei?"
Hindi siya sumagot. Ta's pinatay na niya.
Tinago ko nalang ang cellphone ko.
Dahil sa hindi nga siguro talaga titila ang ulan, nagpabasa nalang ako.
Kasama ko si Annabeth na pumunta sa bahay nila Lei.
Andiyan kaya si Matteo?
Bahala na.
Kayla's POV
"Yugi! Yugiiii!!! Yugi!!!!!"
Pero di niya ako narinig. Saan kaya siya pupunta at bakit kailangan niyang magpabasa sa ulan?
Susundan ko ba siya?
At dami kong gustong itanong sa kanya eh!
Sino iyong babaeng kasama niya sa video?
Bakit may pasa siya sa mukha at may cut sa labi?
Nakipagsuntukan ba siya?
Tinignan ko relos ko.
Malalate naman na ako sa bar. Itex ko nalang si Apollo na absent muna ako ngayon.
Sundan ko na nga si Yugi.
Pinara ko ang taxi.
Yugi's POV
Ang lamig. Pinark ko sa tabi si Annabeth. Tapos tumayo ako sa gate nila. Tinignan ko ang bintana ng second floor.
Alam kaya niya na nandito ako?
Di ba dati nalalaman naman niya?
Kinuha ko ang cp ko na binalot ko na ng plastic para di mabasa ng ulan.
Tinawagan ko siya.
Hindi sumagot.
Tinext ko siya.
'andito ako.'
Tapos tinignan ko ang second floor.
Sana silipin niya ako, silip lang naman para kahit papaano makakatulog ako mamaya na iniisip na kahit papaano nababawasan na ang galit niya sa akin.
Tumayo ako sa gate nila kahit basang-basa na ako ng ulan.
5 minutes
6 minutes
7 minutes
8 minutes
Ta's biglang bumukas ang front door.
Si Matteo.
"Di ba, sabi ko sayo, papatayin na kita kung magpapakita ka pa?"- siya habang binubuksan ang gate nila.
I braced myself. Bahala na.
He grabbed me by the neckline of my jacket.
"Go away from my sister!" sabi niya sabay tulak. Malakas si Mat at dahil nga nakabitin ako dahil sa paghawak niya sa akin sa neckline ng shirt ko, natumba ako.
I knew the next thing na gagawin niya ay sakyan ako at pagsusuntukin sa mukha pero biglang may kumapit sa likod niya.
"No!!!!!"
Kayla.
Napatda si Matt. Tumayo ako kaagad at dumistansiya at baka nga manugod ulit si Mat. Pero si Kayla na basa na rin dahil sa ulan, humarap kay Matt.
"Matteo,no...I don't know what you are fighting over but please, stop it."- pagmamakaawa ni Kayla kay Matt na nakahawak sa dalawang braso ni Matteo.
Si Matteo naman parang nabato-balani na nakatunghay lang sa mga mata ni Kayla.
After a while, napalunok ito at tumingin sa akin.
"Don't provoke me next time, Yugi. Binalaan na kita."
Ta's tumalikod at pumasok sa gate nila.
Lumapit naman kaagad sa akin si Kayla.
"Are you okay? Are you hurt?"
Umiling ako. At saka sumakay kay Annabeth.
"Tara," ako- sumakay naman siya.
"Sinundan kita ng taxi" sigaw niya.
Hindi ako kumibo. Isa lang ang nasa isip ko. Hindi man lang pinigilan ni Lei ang kuya niya at ni hindi niya man lang ako sinilip.
A/N: wawa naman Yugi...
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomansaUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...