Leah's POV
"Hi!" bati ko kay kuya ng umakyat siya sa second floor. Parang pagod na pagod siya.
"Hello, Matt" nbati din ng teacher Magno ko sa kanya.
"Hi" nakangiti ngunit matamlay na bati ng kuya ko sa amin and then he kissed me on my head. "How's your day?"
Ngumiti ako. "same. How bout yours?"
Nagkibit siya ng balikat. "kapagod. By the way, kailan mo gusto lumabas?"
Nag-uusapan kami ni kuya habang si teacher ko naman ay sa libro lang nakatuon ang paningin. Kung weird ako, weird din ang teacher ko kya takot na takot si Yugi sa kanya.
"Dunnu"
Ngumiti siya. "Anytime you want, Lei. Just tell me."
Tatalikod na sana siya ng twagin ko.
"Kuya"
"Hmm"
"Kung may problema ka, I'll always be here for you."
Ngumiti siya at tumalikod lang.
"Kuya..."
"hmmm?" lumingon siya
"ahm... kwan kasi... are you dating someone?"
Nakita ko na parang nagulat siya sa tanong ko. Pero kaagad naman nakabawi.
"No" nakakunot noo na tanong niya.
Ngumiti ako. "Just want you to be happy"
"I'm happy." Sabi niya sabay ngiti at bumababa na.
Tsaka lang binaba ng teacher ko ang hawak na libro at tumitig sa akin.
"Bakit hindi mo sinasabi sa knya?" tanong niya sa akin.
Kinuwento ko kasi sa kanya si Yugi at kilala naman niya ito.
"baka magalit siya"
"paano kung hindi?"
Tumahimik lang ako.
"Tsaka kaibigan lang naman kayo."
Tumango lang ako.
"Sa tingin niyo po kailangan ko sabihin sa kanya na magkaibigan kami ni Yugi?"
Tumango siya.
"Paano kung magalit siya kay Yugi?"
"Bakit naman siya magagalit?"
"Protective po si kuya. Tsaka, babaero daw si Yugi."
"Bakit nanliligaw siya sayo?"
Natahimik ako. Ang totoo, hindi ko alam. M.U kami. MU as in Malabong Usapan.
"Natatakot po ako" ako.
Ta's ngumiti siya. Ngiting naaawa.
"Baka magbago siya?"
"Baka hindi niya matanggap ang buong ako. Paano kung makita niya ang mukha ko? Paano kung---"
"Kung katulad din siya ng ibang tao?"
Tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Lei, sa mahabang panahon, nagtayo ka ng pader sa pagitan ng sarili mo at ng mga tao. Naging kaaway mo sila sa isip at puso mo maliban sa amin ni kuya at parents mo. Naging kuntento ka sa mundo mo na binuo mo para sa sarili mo, Lei. Ngunit, isang araw, may isang tao na inakyat ang pader na tinayo mo, and invade your privacy. Alam mo kung saan ka takot, Lei? Dahil nalaman mo na hindi ganoon kasama ang mga tao at gusto mo pang malaman kung gaano kasaya ang mundo sa labas gaya ng sinasabi niya kaya ikaw mismo ang unti-unti bumubuwag sa pader na tinayo mo."

BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...