Yugi's POV
Nasaan naba siya? Nasaan na nasuot ang Sadako na 'yon?
Diri-diritso ako ng labas ng school ta's nilibot ko paningin ko sa sobrang pagtaguan niya.
Doon sa malaking puno.
Pinuntahan ko siya. Andoon nga siya naka-upo. Nagtatago sa isang malaking kahoy.
"Tara na"-sabi ko
Hindi siya umimik
"Lei, tara na."
"Dito na muna ako"
"marami ang makakita sa atin dito"
"iwanan mo nalang ako"
"hindi naman sa ayaw ko na makita ka nila na kasama ako, sa akin lang---"
"Yugi, sorry..."
"Tara na, malapit ito sa school, baka makita tayo dito ni Matteo. May alam ako na puntahan na wala masyadong napunta"
Tumayo siya.
Nauna na akong lumakad. Nang nilingon ko siya, naawa naman ako dahil nakatungo ang ulo. Inantay ko siya.
Bigla ko nalang hinawakan kamay niya. "Tara". Tsaka ako ngumiti. As usual, malambot ang kamay niya tsaka hindi naman niya binawi. Sarap kaya ng feeling!
Naglakad kami. Dumaan kami sa palengke para shortcut. Kaso, maraming tao. Napahigpit ang hawak sa akin ni Lei.
Tinignan ko siya. Nakayuko lang siya pero mukha namang walang pumapansin. Pero alam ko pa rin na ilang siya.
Bigla akong tuminga. "Ano 'yon?" sabi ko at tinignan ang langit.
Ang makakasalubong ko, nacu-curious din kaya tumitingala din at gumaya na ang iba. Hanggang sa ang lahat ay napatingala sa langit para tignan kung ano rin ang tinitignan ng iba. Na wala naman talaga. Hehehe
"Hindi na sila nakatingin sa'yo. Wag ka na kabahan." Binilisan namin ang lakad.
Nakita kong ngumiti siya. Napangiti na rin ako.
Dumaan kami sa tindahan ng mga sombrero.
Tumigil ako. At kinuha ang color Black na may white ang cap.
"Magkano po?"
"120 hijo"
Binigyan ko siya ng pera at nilagay sa ulo ni Lei ang sombrero. Nangiti naman ang tinder makahulugan.
"Naambon kasi," sabi ko kahit wala namang ambon.
Hinawakan ko siya ulit. Hanggang sa nakarating kami sa park. Doon kami sa dulo-dulo talaga na halos wala nang pumupunta dahil wala nang upuan. Pero maganda dito dahil makakaupo naman sa damuhan tas may lagoon na maliit lang.
Naupo ako.
"Maupo ka." Sabi ko
Umupo siya sa tabi ko. Habang ako naman ay nahiga sa damuhan.
"Paano ka nakapunta sa school?"-ako
"Hinatid ako ni teacher"
"bakit?"
"diba sabi mo, gusto mo mapanood kita sa paglaro ng basketball dahil magaling ka?"
Natawa ako. "ganon? Ang galing ko no?"
"hindi rin"
"huh??? Ako kaya ang star player!"
"Sana ikaw ang MVP, si kuya naman eh."
"Aish, kampi ka talaga sa kanya kasi kuya mo siya."
Hindi siya nakasagot.
"Sabi mo kakainin mo ako"
Di siya kaagad nakasagot.
"Nakita kita, Yugi."
"ha??"
"May yumakap sayong babae."
Wahhhh!!!! Si Kayla! Napabangon ako agad.
"S-si Kayla, yon. Wag mo siya anuhin ha, k-kaibigan ko siya."
Hindi siya sumagot.
"S-siya 'yong friend ko na may birthday na nag-attend ako. Naalala mo pa?"
Hindi pa rin siya sumasagot.
"Ano ba, Lei... kaibigan ko lang siya. Wala akong ibang babae!"
"ang dami mong fans"
Napakamot ako sa ulo ko. Ano ba 'to!
"Fans lang naman 'yon---"
"At ang babae sa labas ng locker---"
"Haizzzt... siya iyong babae na tinawagan mo na breakan ako."
"nagkikita pa rin pala kayo"
"Aish!!! Hindi ah! Nagkataon lang 'yon. Ano ka ba!"
"Ang daming babae na nagkakagusto sayo"
Napabuntung-hininga ako.
"Eh, ano ang gusto mong gawin ko? Hindi ko naman sila pinapansin kasi—"
"Bakit ako, Yugi?"
Napatigil ako sa tanong niya. Tinignan ko mukha niya para maintindihan ko pero useless lang kasi nakayuko na siya, natatakpan pa ng sombrero at nang buhok niya ang mukha niya.
"Ano ba ang ibig mong—"
"Wala. Kalimutan mo---"
"Hindi eh, ano ba ibig sabihin mo sa tanong mo?"
10 seconds muna bago siya sumagot. "I feel that I am special to you, am I not?"
Ako naman ang di makahuma.
"Yeah...pero---"
"Thanks."
"Ako... ano ako sa---"
"nagugutom ako, Yugi."
Naptingin ako sa kanya. Psh! Unfair!!!!
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomansaUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...