Ang panyo

583 24 0
                                    

Yuma's POV

First time ba ito na binigay sa akin ni Author ang POV? Wow! Hahaha. So ano ba ang role ko sa love story ng mahal kong kapatid? Wala! Hahaha.

Iwan ko kung ang lahat ng ate, katulad kong pakialamera. ^_^ . Opo, pakialamera po ako kasi siguro masyadong naging baby ko si Yugi ng mawala ang parents namin. I promised to myself na lahat kakayanin ko para sa kanya, para sa mga magulang ko. I can say that trials and challenges made my heart stronger kahit na minsan....hindi na tama ang ginagawa ko. Hay, never mind niyo ako. Hindi ko pa love story, finufurnish pa daw ni author ang story ko at baka daw maumpisahan niya one of these days kaya pabasa nalang daw po. ^_^

Let's get back to Yugi. ^_^. Sa totoo lang, si Yugi lang meron ako. Si Yugi lang ang pakiramdam ko na dahilan kung bakit pa ako lumalaban para mamuhay sa isang magulong mundong ibabaw. HAhaha. I'm very happy na nakakapinta na siya ulit. It means, unti- unti na niyang nakakalimutan ang trauma na minsan inakala kong maging dahilan na mawala na siya ng tuluyan sa akin.

Natikom ko ang mga palad ko sa mga pangyayaring iyon. Event in our lives that planted a seed of hatred and revenge in my soul. Event in our lives that forced me into a person I never dreamt to be.

Pero kung wala man akong maging panahon na ayusin ang buhay ko, at least I could give that to my brother. Ayaw ko na ulit na masaktan siya. This perhaps invading his privacy pero mas mabuti na marami akong alam kaysa sa wala. Ayaw ko lagi na nahuhuli ako sa balita. I hate not knowing things.

I decided to wait for Paolo this afternoon. Isa lang naman kami ng school pero dahil sa iba ang college nila so iba ang building nila at hindi naman ako nalalagi sa school kaya mas madalas na hindi kami nagkikita ni Paolo.

Napangiti ako ng nakinikinita ko siya sa balintatanaw ko. Sabi nila, hindi naman daw ako pangit, pero kahit ni minsan, walang may naglakas ng loob na ligawan ako. Nakapa-strikto daw ng mukha ko. Aside from that, masyado daw ako pormal at sobrang intimidating kaya natatakot sila sa akin.

I once heard a DJ na ang mga lalaki daw, they like mature women. Okay na sana eh kaso may kadugtong pa. Mature women but sweet. Sweet my ass! Ang explanation ng DJ dahil kung sobrang strong daw ng babae sa relasyon, nawawalan daw ng silbi ang lalaki whom supposed to be the pillar. Yong laging nasasandalan. So, I just decided na hindi siguro nabibilang sa kwento ng buhay ko ang lovelife.

All those years, si Paolo lang talaga ang nagkaroon ng lakas ng loob na magsabi na gusto niya ako. Nagsabi na nga ba siya? Formally, hindi. Nalalaman ko lang dahil para ugok kong kaharap ako at dahil na rin sa kantiyawan ng mga barkada niya at sa matigas na pagtutol ni Yugi.

Ang totoo, wala talaga akong balak na magkaroon ng kahit na anong ugnayan sa kanya. Notorious siyang basag ulo ang lagi ginagawa. Well, papa lang naman kasi niya ang isa sa mga shareholders ng school namin.

Pero kailangan ko siya makausap ngayon tungkol kay Yugi dahil kahit ano atang piga ko sa isang iyon, hindi ko siya mapipiga. Si Paolo lang kasi ang alam kong hindi tatakpan si Yugi dahil takot siya sa akin.

Sumandal ako sa pader sa hallway. Malapit na ang out nila. Wag ko na siya itext dahil baka magbahag buntot naman at matagalan pang makalabas.

Di naman nagtagal ang pag aantay ko, nagsilabasan na sila.

Nakita ko siyang may inaakbayang babae at tumatawa pa. Hindi nakatingin sa side ko. Napadiretso ako ng tayo.

Hanggang sa nakita niya ako. Para siyang natuka ng ahas. Hahaha. Sabi ko na eh.

Kaagad naman niyang inalis ang kamay sa pagkakaakbay sa classmate niya na kinunot naman ng ulo ng babae.

Para lang nahuli ko siyang nagtataksil. Pero ang totoo, ni katiting na pagselos, wala akong nararamdaman. Natatawa pa ako sa kanya dahil parang pinintahan ng puti ang mukha niya. Panay pa ang punas niya ng pawis.

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon