Yugi's POV
Nahiga ako sa kwarto ko. Tinawagan ko ate ko.
"Babe?"- si ate. Napangiti ako
"Kala ko, di mo masasagot eh," –ako
"Actually, medyo busy nga ako ngayon."
"Ganoon ba, sege."
"Am sorry, I'll see you later nalang."-siya
Tumango ako. As if naman nakakakita siya at inoff.
Kailan kaya ako papayagan ni ate Yuma na mag-take part sa kompanya? Namimiss ko na siya. Wala na akong makakausap dito sa bahay. Ang lungkot.
Naalala ko si Sadako. Nalulungkot din pala siya. Siguro dahil malaki ang bahay nila pero wala naman siyang kasama. Mag-isa lang siya lagi kahit pa sabihin na bampira siya. Parang ako lang din, nag-iisa dito sa bahay namin ni ate Yuma.
Siguro, maliban sa teacher ni Sadako, gusto niya rin may kakwentuhan na iba kaya nagkwento siya kanina sa akin. Hindi ko lang pinapansin kasi natatakot ako at busy ako sa kakakontra ng mga sinasabi niya.
Hmmm... bakit siya tawang-twa kanina. Tapos, maganda na nga ang hugis ng lips niya, pati mga ngipin niya ang gaganda pa. Ano kaya ang mukha ng bampira? Maganda kaya siya? Malamang dahil cute naman siya noong maliit pa siya. At ang mga bampira naman ay mga magaganda dahil ang ibang bampira ay naliligo sa dugo at kung makakaligo na sa dugo, kahit pangit, gumaganda. PEro baka siya ang exception, baka kaya niya tinatakpan niya ang mukha niya dahil pangit siya, isa lang ang mata...ngek ano 'yon..cyclops? O baka may malaki siyang scar sa mukha dahil nakita na siya ng mga tao noon at tinary na patayin kaya ayaw ni Matt na lumalabas siya!
Dapat makahanap ako kahinaan ng bampira na iyan para makawala ako sa mga kamay niya. Kakaibiganin ko siya pagkatapos ay hahanap ako ng paraan na makikitil ang buhay niya!
Kinuha ko ang phone ko. Hinanap ko ang pangalan niya. BAMPIRANG WEIRD. Ta's tinext ko siya.
Ako: Hi, tulog ka na?
Siya: sa araw ako natutulog
Aish, oo nga pala. Bampira pala siya.
Ako: Ano gawa mo?
Siya: bakit?
Ako: Tanong lang
Siya: Naghahanap ng mabibiktima
Napailing ako. Naghahanap kaya talaga ng biktima? Baka tinatakot lang talaga ako nito! Baka naman... baka naman..hindi totoo... bakit kasi takot na takot ako?
Ako: sege goodluck
Hindi siya nagreply. Tinext ko siya ulit. Wala naman ako mgawa eh.
Ako: ako lang mag-isa dito sa amin kaya pwede mo ako makain ^,^
Siya: Sa tamang panahon.
Aish! so may balak talaga siya na kainin ako? Grrr... kailangan maunahan ko siya sa mga masasamang balak niya sa akin!
Ako: Nandiyan na si Mat?
Siya: OO pero busy siya sa aral.
Ako: hindi ka niya kinakausap
Siya: busy siya lagi
Ako: Ate ko din, busy lagi
Siya: malungkot ka
Ako: minsan lang
Siya: Ako lagi
Napakunot ako ng noo.
Ako: bkit?
Siya: kasi, wala akong kaibigan
Napakunot ako lalo, emotera naman ang bampira na 'to.
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...
