Unrequited love

565 27 1
                                    

Yugi's POV

Papasakay na ako kay Annabeth ng tumawag sa akin si Kayla.

"hello, Kayl? Bakit?"

"Ahm...where are you right now?"

"Ah...bakit?"

"Ahm...kwan kasi. Hindi daw ako masusundo ni Papa kasi...may motor ka kasi kaya-"

"ahh sege, daanan kita diyan. Pauwi na rin ako."

"Sege, antayin kita dito."

Sumakay ako kay Annabeth pero bago ako umalis tinignan ko muna ang second floor ng bahay nina Leah.

Napabuntong-hininga ako.

Sino mag-aakala na ang isang katulad ko na gwapo sabi ni author, magkakagusto sa isang bampira ? ang masakit, nabusted pa.

Dinaanan ko si Kayla. Sa tabi niya si Apollo.

"Andito na siya."-si Kayla.

Psh... dumidiskarte siguro ang ugok kong kaibigan kay Kayla.

"Kasi Yugi, sabi ko sa kanya na ako nalang hahatid sa kanya, mapagkakatiwalaan naman ako di ba Yugs?"- si Apollo at nag-mouth pa sa akin na umu-oo ako.

Tinignan ko si Kayla.

"Sakay na, Kayl baka mabiktima ka pa ng bolero na 'yan eh."- ako

Natawa si Kayla at para naman akong suntukin ni Apollo.

Umangkas sa likod ko si Kayla.

Kinuha pa ni Apollo ang kamay ni Kayla.

"Bitiwan mo 'yan kung ayaw mong masipa kita."- sabi ko

"Saglit lang,.. Kayl, I'll see you again tomorrow. Kahit na alam ko makikita naman kita mamaya sa panaginip ko."

Aish! Walang kasing corny

Natawa si Kayla.

"Tapos na? ilang beses ko na kaya yan narinig sa mga babae mo!"- ako

Inambaan naman ako ng suntok ni Apollo pero ng humarap kay Kayla ay parang nakapaste ang ngiti sa mukha.

"Bye, Apollo." Si Kayla.

Hinalikan pa ni Apollo ang kamay ni Kayla.

"Aish! Magsabon ka ng kamay mo mamaya kayl," sabi ko na mas lalong nilukot ng mukha ni Apollo.

Tapos pinasibad ko si Annabeth. Dahil di naman nakaready si Kayla, muntik na siyang mahulog.

"Ano ba 'yan!"

"kapit lang Kayl!" ako

Tapos yumakap naman siya sa akin.

Naalala ko si Leah.

Tskkk...nakainom ata ako ng red horse, malakas na talaga ang tama ko.

"Nanliligaw ba sayo si Apollo?" sigaw ko para marinig niya.

"Bakit, ayaw mo ba?"

"Ayaw, syempre! Ano ba yan...lahat ng mga importanteng babae sa buhay ko mga walang kasing babaero ang nanliligaw!"

Hindi siya sumagot.

"Lumayo-layo ka sa kanya, kayl ha!"

Hindi pa rin siya sumagot.

Pero maya-maya, narinig ko sumigaw siya.

"Yugi! Ikaw ang fdksfjslgsk"

Dahil malakas ang hangin, di ko narinig ang sinabi niya.

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon