when it rains, it pours

567 26 0
                                    

Yugi's POV

~yes, you only need the light when it's burning low~

~only miss the sun when it starts to snow~

~Only know, you love her when you let her go~

~only know you've been high when you feeling low~

~Only hate the road when you're missing home~

~Only know, you love her when you let her go~

~And you let her go~

Kanina pa tapos ng kanta si Kayla at inalay niya iyon kung sino mang SA niya... pero parang ako ata ang tinamaan.

And I let her go...

Of course not, I'm not letting her go.

But it's true, you will only realize one thing if it's gone.

You will only realize how much she means to you when she's gone.

Hay...

Palapit na sa akin si Kayla ng may nahagip ang mata ko.

Si Matteo?

Baka naman hindi siya. Pero kasi...ang damit. Baka nga magkapareho sila ng damit. At isa pa, hindi mahilig mag-bar 'yon. Unless kung...

"Yugi! Ako na maghatid kay Kayla!"

Masyado akong naka-focus sa isiping nandito si Matteo para hindi ko napansin na nambibwisit pala ang isang hinayupak na 'to kay kayl.

"Bakit kaya...ang dalawang pinakababaero sa barkada ay siyang mga asungot sa buhay ng mga malapit sa aking mga babae?" –ako na nakaharap kay Apollo.

Natawa si Kayla.

"Hoy! Grabi ka ha...ang bait-bait ko kaya!"

"Magkahawig pa ang pangalan niyo... Apollo...Paolo! Tsk... iyon ang mga pangalan na ban sa buhay ko!"-ako

"Aish! Kaya ka minamalas sa love life dahil ang sungit mo!"

Umalis ako sa pagkakasandal ko sa motor at makatikim nga ng suntok pero bigla ba naman na tumakbo.

"Kayla! Kayla..kita tayo maya. Sa panaginip ko!"- sigaw pa.


Yugi's POV

Di ko alam kay ate kung tumawag ba siya para kumustahin ako o para lang mangalap ng impormasyon tungkol kay Copper. Ni hindi nga kinamusta kung okay na ba ang pakiramdam ko dahil hanggang ngayon namomoroblema pa ako kung paano makalapit kay Lei na hindi mabinghal ni Matteo.

Wala naman akong maasahan sa mga kaibigan ko dahil parang tinakwil na ata nila ako. Joke! Alam ko naman na gusto lang nila na umiwas muna ako kay Matteo na salinlahi ni Heral Luna dahil baka bumaha ng dugo!

"Yugi?" nabalik ang atensiyon ko sa kanya sa kabilang linya.

"yeah"- sabi ko. Napatingin sa akin si Kayla dahil inabandona ako ng mga kaibigan ko kaya si Kayla ang kasama ko ngayon.

"Did you hear me?" si ate sa phone

"Yep. Half-australian ang father ni Copper. Bakit?"- ako sa kanya.

"Nothing. Ahm... does he have a girlfriend?"

Napamulagat ako sa tanong niya. Pusang walang ulo! Mukhang may bago akong kakalabanin ah. Mawawala na nga sa landas ko ang Paolo na 'yan...papalit naman si Copper? At mukhang mahirap na kalaban kasi si ate mismo ang interesado! At isa pa mahirap makahanp ng butas sa pagkatao ni Copper para masiraan kay ate dahil matino naman siyang tao! Pusang gala nga naman talaga oh!

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon