wrong sent

466 21 2
                                    


Yuma's POV

Inabangan ko siya. Sigurado dadaanan siya sa lugar na ito. Hindi nga ako nag-antay ng matagal, dumaan siya kasama ang mga friends niya.

Ilang araw ko na din siya sinusundan. Wag lang siyang gumawa ng isang pagkakamali dahil pagsisishan niya iyon. Kung ang laro lang din ay ganito, makikipaglaro ako pero sisiguraduhin ko na ako ang mananalo.

Tinakip ko ang hood ng damit ko sa ulo ko at pasimpli sila...siya na sinundan.

Tumigil sila sa tapat ng isang bar. Tapos may lumapit sa kanya at binigyan siya ng sigarilyo. Sinindihan at hinithit. Hindi lang siya, pati rin ang iba.

Napangiti ako.

I can smell danger.

Pero di doon natapos ang pangyayari.

Pumasok sila sa loob.

Pinalipas ko ang ilang minuto bago pumasok.

Pumuwesto ako sa mesa na malapit sa kanila. Minsan nagtama pa ang mga mata namin pero dahil busy siya, hindi niya iyon pinansin.

This is why knowing who's your enemy is important dahil baka nandiyan lang pala siya sa paligid, nakatingin, nakaabang at nagmamasid sa ginagawa mo. Katulad niya. Di niya kasi alam na may isang nilalang na katulad ko na nagmamatyag sa gawa niya kaya wala siyang paki.

"Alone?"- sabi ng isang foreigner sa akin.

"yeah"- sabi ko ta's ngumiti siya. Uupo sana siya. "And I prefer to be alone" sabi ko na kinatigil niya sa balak ng pagkaupo. He shrugged and left me.

Binalik ko ang atensiyon ko sa ginagwardiyahan.

My cellphone vibrated. Tinignan ko. Hikkarro.

"Yeah!"-ako

"Where are you, why very noisy?"

"I'll call you later! I'm doing a job right now!"- medyo nilakas ko para marinig niya at pinatay ko ang cellphone.

He texted me. "Stop delving into people's lives, Yuma."

I deleted the text. As usual, same message as before.

Binalik ko ang mata ko sa mesa kung saan ang tao na binabantayan ko.

Wala na!

Bigla kong napokpok ang kamay ko sa mesa.

Bigla ako napatayo.

Nilibot ko ang sulok ng bar hanggang sa nakarating ako sa likod.

And voila!

Andoon siya....and surprised me with a better scene!

I smiled triumphantly.

Napailing ako. Everybody does have a dark side!


Kayla's POV

Kanina pa ang hanap ko sa kanya pero nandito lang pala siya sa gym. Playing basketball alone.

Umupo ako. Tapusin ko na muna siyang maglaro.

Napangiti ako sa mga gingawa niya. Ang galing niya talaga magbasketball. Yong pag- driball niya, yong pag-ikot ikot niya bago i-shoot ang bola, ang pag-dunk niya, at ang pagpractice niya ng free throw, walang mintis at paglay-off.

Sa sobra kong tuwa kinuha ko sa mga moves niya, kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan siya nang ilang beses ta's kumuha din ako ng video.

Napagod na rin siya siguro sa wakas kaya tumigil siya at nagpahinga. Nakayuko siya habang ang mga kamay ay nakatukod sa dalawang tuhod niya.

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon