Yugi's POV
Pinark ko si Annabeth sa parking lot ng mall pinuntahan namin. At sinugurado ko na malayo ang mall na ito para walang makakita, baka malaman pa ni Matteo, bugbog ang inabot ko doon!
Bumababa si Lei. At kinuha ang helmet sa ulo niya. Ingat na ingat para mamaintain ang pagkatago ng mukha niya.
Binigay niya sa akin. Kinabit ko kay Annabeth.
"Oh, Annabeth, dito ka lang muna ha, babalik naman kami kaagad eh."
Nang tignan ko si Lei, nakangiti siya.
"Bakit?"-ako
"Weird ka din, Yugi... alam mo ba 'yon?"
"At least hindi nakakatakot na bagay ang mga kinakausap ko. Tara na!"
Lumakad na ako pero hindi siya sumunod.
Binalikan ko siya at kinuha ang kamay niya para kumapit sa braso ko.
"Ayaw ko sa mga tao, Yugi... mga masasama sila."
Nakunot naman ako ng noo.
"Lei, hindi lahat. Kaya tara na."
Lumakad ako. Sumabay siya na nakakapit sa akin. Wag naman sana payagan ng tadhana na makita ko dito isa sa mga babae ko, alam kong mabilis kumalat ang balita.
Si Lei naman, hindi naman makita ng mga tao ang mukha niya, nakayuko pa. Hinayaan ko nalang.
Napunta kami sa women's department. At ang mga makakasalubong namin ay nakatingin lang sa kanya. Nagtataka siguro ang mga ito kung ano ang tinatago sa mukha kaya nakatakip ang buhok.
Lumapit sa amin ang sales clerk.
"How may I help you sir?" ngiti nito. Nagpapa-charming.
"Will you help us choose clothes for her?"
Tas tinignan niya si Lei. Ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng pagtataka at kiniling killing ang ulo para lang siguro makita ang mukha ni Lei.
"Miss?"-ako
"ah, yes sir!"
Ta's binigyan niya kami ng mga damit. Ang mga mamahal! Ang pinakamababa ay 700! Isang tshirt lang yan ha!
"Ah... wag yan... mahal eh."-ako
"It's okay."- sabi ni Lei. " Ayaw ko nang pumunta pa kung saan."
Nagkibit balikat ako. Mayaman naman sila eh.
Naupo ako sa labas ng dressing room habang inaantay siya para itry ang mga damit na binigay sa amin ng sales clerk.
Bumukas ang dressing room. Tinignan ko kaagad. Excited kaya ako na makita siya. Pero di naman kaagad lumabas.
"Hey, halika...patingin nga."
Dahan-dahan siyang lumabas habang nakayuko.
Napanganga ako.
Ang blue spaghetti dress ang suot niya. Lalo lang naemphize ang pagkaputi niya. Ang kinis ng balikat niya pati ang mga braso.
Ang ganda ng shape ng legs niya dahil lagpas tuhod ang dress. Balloon ito pero pagdating sa bewang niya, kumapit ang tela showing her small waist.
"Wow! Bagay po sa inyo."- sabi nong sales clerk.
"bagay ba?" tanong niya sa akin
Tumango nalang ako.
Tinary niya rin ang mga pants, skirts at iba pang dress na binili namin.
Sa huli, sinuot niya ang blue dress na una niyang sinukat dahil na rin pinilit ko siya.
Nang palabas na kami, kumapit ulit siya sa braso ko.
Kaso nakakainis yong ibang mga lalaki na nakakasalubong namin dahil parang hubaran si Lei sa tingin.
"Magbihis ka nga!"-asik ko sa kanya.
Kaya ng dumaan kami sa CR, pumasok siya at nagbihis ng pants at peach na blouse.
Hinatid ko na siya umuwi dahil baka umuwi na si Matteo na wala pa ang mahal niyang kapatid.
Bumababa siya sa tapat ng mansion nila.
"Sege, pasok ka na."- ako
"Salamat"-siya at ngumiti. Bago siya tumalikod, umihip ang hangin at nilipad ang buhok niya na nakatakip sa mukha niya. Parang slow motion..
Pero dahil patalikod na siya, ang nakita ko lang ay ang left face niya!
Such an angel!
Hindi ako nagkamali, maganda nga ang mga bampira!
Bilog na bilog ang mga mata niya na ang hahaba ng pilik!
"Lei!"
Tawag ko sa kanya sa pag-asang makita ko pa lalo ang mukha niya.
Pero ng humarap siya natatakpan na ulit ng buhok niya ang kalahati ng mukha niya.
"Bakit?"
"Ah... isuot mo ang mga yan ha!"
Tumango siya at ngumiti tas pumasok na.
Alam kong hindi ako makakatulog ngayong gabi dahil hindi mawala sa isip ko ang left face niya.
My god! She's the true definition of a goddess!
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...