Yuma's POV
Nakaupo ako sa study table ko habang tinititigan ko ang mga pangalan na nakalista sa huling page ng maliit na notebook ng papa namin ni Yugi.
Matagal ko na itong nakita pero hanggang ngayon, wala akong napulot na kahit anong magandang information tungkol sa kahit na sinong nasa papel.
I need to know the truth as soon as possible bago pa malaman ni Yugi ang lahat dahil kay Hikkaro.
(A/N: this will be revealed in Yuma's story.)
Tsaka ko narinig ang motor ni Yugi na dumating na. I kept the notebook sa secret hiding place ng mga confidential na gamit ko.
Lumabas ako at binuksan ang tv para kunwari kanina pa ako nanonood.
Nang bumukas ang door, nilingnon ko siya. At nagulat ako ng makita kong basang-basa siya at kasama si Kayla.
"What happened?"- napatayo ako kaagad. Aywan ko ba pag-dating dito kay Yugi, naka-alert ang magiging protective-ate side ko.
"Wala"- sabi niya saka dumiretso lang sa kwarto niya.
Susundan ko pa sana siya kung di ko lang naiisip na nilalamig din si Kayla.
"Kayl, ba't di ka pa dumeritso ng uwi?"- ako
"I told Yugi na kung pwede manghiram nalang po ako ng damit niyo kasi baka mapagalitan lang ako ni mama at papa kung uuwi akong basa."
Tumango ako at giniya siya sa kwarto ko.
"Okay, mag shower ka muna, ito ang bath robe. I'll prepare clothes for you."-ako
Tumango naman siya. Ang utak ko naman nasa kay Yugi while preparing for Kayla's clothes.
Di nagtagal, lumabas na rin si Kayla.
"Here's your clothes.Puntahan ko lang si Yugi."
"tahimik lang siya, te."- si Kayla. Tinignan ko lang siya at pumunta na sa kwarto ni Yugi.
As usuall, naka-lock ang door niya. Kinuha ko ang pin sa buhok ko at sinuksok sa keyhole then I pressed hard para umikot. It worked. As usuall.
Akala ko maabutan ko siyang basa parin sa damit pero mukhang tapos na rin siya maligo and he's wearing a robe. At nakatingin sa patak ng ulan sa crystal part ng wall sa room niya.
"Are you okay?"- ako
Saglit siyang di kumibo before he answered my question.
"I always wonder how can you open my door though it's lock."- sabi niya ng di tumitingin sa akin.
"What happened?"- tanong ko sa kanya para mabalik kami sa topic.
Nagkibit siya ng balikat.
"common... tell me."- sabi ko na nag-aalala na. Mas mabuti pa noong maliliit pa kami at madapa lang siya o matakot sa horror film dahil yayakapin ko lang siya at sasabihan na, 'nandito si ate', tatahimik na siya. Pero iba na talaga ngayon kasi pag-ibig na ang kaaway ko. Eh, ako nga di pa nain-love, paano ko naman siya i-handle?
"I'm okay...I'll... be okay."- sabi niya ta's kinuha ang mga gamit sa pagpipinta.
Tumango nalang ako. Hindi ata eepek ang pagkamakulit ko sa panahong ito. Mukhang depress talaga ang kapatid ko! Mukhang puma-pag-ibig na nga!
"I'll heat the food."-sabi ko nalang at lumabas. Broken-hearted talaga siya. Siguro ginayuma ng babaeng iyon! Ano ba meron sa babaeng iyon na nagpalabas sa ganoong emong side ng kapatid ko!
Bumalik ako kay Kayla.
"Kayl, mukhang malakas ang ulan, dito ka na matulog."
Ngumiti siya. "Thank you, te. Tatawagan ko sila mama."
Tumango ako. "Pag tapos ka na, you can give me a hand in the kitchen."- ngiti kong sabi.
"Sure, te."
After a while, naandiyan na siya.
"Ate, okay lang ba si Yugi?"
Tumango ako. Ang hirap naman kasi mag-open up dito kay Kayla kasi alam ko na masasaktan lang siya. Ang totoo, mas gusto ko si Kayla kay Yugi dahil alam ko na mahal talaga ni Kayla si Yugi. The heck with that Leah. Okay, siguro maganda siya, super pero para sa kunting kasalanan lang ng kapatid ko para mag-OA siya ng ganyan? Ta's isa rin ang kuya niya na sobrang protective.
Ta's napatigil ako. Si Matteo at ako...magkatulad pala. Bakit ba naiinis ako sa kanya? He's just protecting Leah as I am protecting Yugi especially, babae si Leah.
"ate?"
Nabalik ang atensiyon ko kay Kayla.
"The last time we met, yong nakita natin ang video ni Yugi with a...witch. Was that a drama? Bakit may bruise si Yugi at may cut pa sa labi? Ta's anong ginagawa niya doon na nagpapaulan sa labas ng isang malaking bahay? Kanino bahay iyon 'te?"
Natigil ako sa pag-aarrange ng mga plates sa table. Si Yugi bumalik sa bahay nina Matteo para magpa-ulan? Bigla akong naiinis. Okay, di pa ako na-in love pero katangahan na ang ginawa ng kapatid ko. OA na ha!
"ate?"
Napalingon ako kay Kayla.
"Kayl, ang totoo... I dunnu how to tell you this... kasi.."
"kasi?"
"I... I know your feeling for Yugi."
Kumalat kaagad ang pula sa mukha ni Kayla.
"No! don't be embarrassed. What I'm saying is that, I know but it's okay with me. I like you, you know...pero hindi kasi ako nangingialam pagdating sa lovelife ni Yugi."
Tumango lang siya.
"Ang bahay na pinuntahan niya...bahay 'yon ng babae." Mabilis na mabilis ang pagkakasabi ko. Hindi ko alam kong bakit. Siguro dahil ayaw ko na makita ang reaction ni Kayla dahil bumalik ang tingin ko sa pag-aayos ng plato.
Saglit na tumahimik sa pagitan namin. Maya-maya nagsalita siya.
"Nag-aaway sila ni Matteo, inawat ko lang sila."
"It's because.. the girl is Matteo's sister."
Habang sinasabi ko 'to, hindi ako tumitingin sa kanya. Ayaw ko makita ang reaction niya dahil ayaw ko iyon maalaala. Ayaw ko na makikita si Kayla sa utak ko na malungkot at umiiyak dahil sa isip ko isa siyang laging nakangiting babaeng matalino at talented.
"I'll call Yugi." Sabi ko at tumalikod na.
Kumain kaming tatlo pero para naman kaming naglalamay. Walang umiimik sa aming tatlo. Tapos wala na nga akong gana kaya kunti lang ang kain ko pero mas kunti ang sa kanila. Parang humigop lang ng sabaw ta's nilaro-laro lang ang ulam sa kanin, ta's tapos na. Ni hindi man lang nila na-appreciate ang effort kong magluto kahit na hirap na hirap akong sundin ang menu book!
Hay... ano pa nga ba ang aasahan sa mga taong bigo?
Sarap pang-untugin ang dalawang 'to eh para malaman ng mahal kong kapatid na andiyan lang si Kayla oh, habang ang weird na kapatid ni matteo..ayon... tinakwil siya.
Ano ba ang gagawin ko dito kay Yugi para naman mapansin si Kayla?
Maya-maya pa bumalik na si Yugi sa kwarto, si Kayla naman parang napako sa kina-uupuan.
Hayyyy...bakit ksi umiibig ang tao sa isang maling tao?
Ang lungkot naman ng update na 'to.
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...
