The coward

964 32 1
                                    

Paolo's POV

Ang bigat naman nitong si Yugi! Mabuti sana kung ang pagbuhat ko sa kanya ay makadagdag points kay Yuma, eh ala eh...para bang awtomatikong nagiging gulay ang tuhod ko pag-andiyan siya..baklang-bakla lang pre eh. Pero sadyang ganoon daw ang tinamaan ng pana ni Kupido!

Cupid: Oh, Pao, kaw na bahala diyan ha!

Ako: Anong ako lang? Hoy, samahan niyo kaya ako!

Apollo: Pusang gala naman Paolo, bakit ba napakaduwag mo? Si Yuma lang yan...di ka nga takot sa bugbugan, kay Yuma lang?

Alex: Pss.. hoy, anong Yuma lang? natural na matakot siya kay Yuma dahil black belter 'yon...

Ako: Mabuti pa si Alex, naintindihan ako..so samahan mo'ko Lex?

Alex: Alam mo Pao,.... Naniniwala ako sayo kaya go,go,go lang!

Ako: T_T

Copper: Ako na sasama! Psh..

Ako: Ayon oh..bait ni Copper!

Taz sumakay na kami sa taxi habang wala paring mala yang unggoy na Yugi! Anak ng tipaklong! Grabi naman ito mawalan ng malay... kulang nalang magkapasa ito sa balibag namin..di pa rin gising?

Sinabi na naming ang bahay nina Yuma't Yugi.

Dubdub...Dubdub...Dubdub..

Shyettttt...bakit ganito...malapit na bahay nila pero grabi naman ang kaba ko! Relax puso! Di naman siguro ako kakainin ni Yuma? Pero natetense talaga ako... ini-imagine ko ang pag-open ng door ni Yuma at ano kaya sasabihin ko? Ah, wait...okey ba ang mukha ko? Baka naman may mga sauce pa ng Pizza..sheeeet baka mabaho hininga ko.?

Copper: Ano ba Paolo!? Para kang ipis na isang linggong di nakaihi!

Ako: Seriously Copper, umiihi ba ang ipis?

Copper: ???? Alam mo Paolo..engot ka din eh!!! Ano ba yang tanong mo!

Ako: eh sabi mo-

Copper: Alam ko ang sabi ko! Pwede ba...wag ka nga engot dyan! Kaya di ka nagugustuhan ni Yuma eh!

Ako: ouch! Penipersonal mo na ako ah...

Driver: Andito na!

Dubdub....Dubdub... Dubdub....

Lunok muna ako laway!

Copper: Hoy! Ano pa ginagawa mo diyan? Ayaw mo bumaba?

Ako: i-ito na nga eh..

Ta's bumaba ako.

Copper: Ikaw bumuhat kay Yugi..

Ako: H-ha?

Copper: Anong ha? Pshhh...gumising ka nga!

Psh..itong si Copper, nagmemenaupose din eh... di ba nito naiintindihan ang nararamdaman ko? Porket walang GF, nagsusuplado..para din si Mateo! Lord, pain-lovin mo na nga ang mga ito para makuha naman ang pagkamasungit nila!

Copper: Ano na!?

Ako: OO na nga eh...

Ta's kinuha ko si Yugi..Pusa...mabigat ito kanina..mas lalong bumigat ah...pano hindi bumigat..wala na kong lakas!! Nanginginig pa ako...

Copper: Ano ba...halika ka na nga..tulungan kita...psh..Paolo!

Tinulungan naman niya ako na maisakay si Yugi sa likod ko! Punyeta itong Yugi, di pa nagising eh...Grrrrrr...kung di ka lang kapatid ni Yuma eh.

Malapit na kami sa pinto, wala naman kasing gate ang bahay ng mga ito eh.

Dubdubdub...Dubdubdub...Dubdubdub...

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon