Yugi's POV
Salita ng salita si Prof Ganda, oo maganda talaga ang Prof namin na ito. Marami nga nag kaka crush dito eh. Ang totoo, pag ito ang nag lelecture, nakikinig talaga ako. Syempre ayon bang tawag na pa-impress. Pero kahit ano pa kaganda kay prof ngayon, kating-kating ako umalis na dito sa inuupuan ko. Last subjet na namin kaya pupuntahan ko na naman ang weird kong girlfriend kunu. Okay, don't get me wrong...hindi ako atat na makita siya ha... yeah.. hindi sa ganoon, psh. Maniwala kayo. Ano lang kasi... alam mo yon, alam ko kasi na malungkot siya eh. At... at may utang kasi ako sa kanya. Kaya kahit nakakatakot siya, at weirdo, hindi naman ako yong tipo ng tao na nakakalimot sa utang. Yes! That's all.
Tinignan ko kung may text siya.
Wala naman.
Pero alam ko inaantay niya ako.
"Yugi. Yugi!"
Si ma'am.
"H-ho?"
"How's planet Mars, Yugi?"-ma'am
Nagtawanan naman ang mga classmates ko.
"Ikaw talaga ma'am... parang di ka pa naiinlove!"- sabi ni Cupid
Tinignan ko lang siya ng masama.
In love? Baliw! Kanino naman ako ma-in love? Psh.
Dali-dali kong kinuha si Annabeth sa parking lot.
"Saan ka pupunta?"- si Paolo
"Bakit?"
"Practice."
Aish! Chincha!
Tatalikod na sana siya pero may biglang tinanong na lalo lang ako nabwisit.
"Yugi, kumusta si Yuma?"
Sinimangutan ko lang siya.
"Aish, bakit ayaw mo ba tanggapin na magiging mag-bayaw tayo balang araw?"
Lalo lang uminit ang left and right hemisphere ng utak ko.
"Sobrang perfect ang ate ko para mapunta lang sayo, ugok!"-ako
"Hoy! Nakakalalaki ka na ah!"- siya na inambaan ako ng suntok pero hanggang ganoon lang siya. Subukan niya, lalo siya sira kay ate ko!
"Paano ba kita naging kaibigan, Yugi?"-siya
"Yan nga din tanong ko eh"-ako
"Aish!"- siya
Tumalikod siya at pumasok sa gym. Naiinis akong nilagay ulit si Annabeth sa parking lot.
Nakasimangot ako ng pumasok sa gym.
"Hindi ka pa nakabihis."-si Matteo
Isa pa to eh. Hindi ako sumagot.
"Mainit ulo niyan kasi mangbabae na naman sana, pinigilan ko."-si Paolo na epal
Tumikwas ang kilay ni Matteo.
"Ba, lagi ka na hindi nagpapractice dahil diyan sa babae mo ah."-si Matteo
"Kaya nga, malapit pa naman na ang laro natin"-sabat na naman ni Paolo
Nagkibit ako ng balikat at lalakad na sana sa locker room para magpalit ng uniform pero pinigilan ako ng kamay ni Matteo sa balikat ko.
"Mukhang seryoso ka ah, oy! Ang bunso natin in love na!"- pinagsigawan ba naman.
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...