What am I feeling?

589 31 1
                                    

Kayla's POV

Dahil na rin sa inarrange ni Apollo na mag-duet kami ngayon gabi, magksabay kaming nagpeperform.

Mula palang lumabas kami ni Apollo, para akong mabingi sa hiyaw ng mga babae at bakla.

Sege naman ang ngiti nito.

Naandiyan kaya si SA? Sino siya. Ilang beses na rin ako nakatanggap ng yellow daisy at mga sweet messages galing sa kanya pero hindi man lang siya nagpapakilala.

Duet namin ni Apollo ang "Just give me a reason".

Hinawakan ni Apollo ang kamay ko. Napapangiti ako na napapailing, makatsansing lang si Apollo talaga.

Alam ko na marami ang hindi nagustuhan iyon at marami ring naghiyawan.

"I know guys that there are a lot of you here wonder kung katulad ng kanta, eh na-I break na ba ang heart nitong partner kong maganda."

Hiyawan ang lahat.

Natawa naman ako.

"So.. Partner, how's your heart?"- sabi niya

Natawa ako.

"Alam ko din na marami ang gusto malaman kung kumusta ang heart mo, partner"- ako

Natawa siya sabay ang hiyawan ng mga girls.

"Ikaw muna, I asked you first, di ba?"

"Well... to be honest, may crush ako."

"Ouch, marami ang nasaktan! "- sabi niya. At dinagdagan pa ng, " Isa na ako doon." Pabiro ang sabi niya pero hindi naman sa nagbubuhat ng bangko, alam ko na may katotohanan sa sinabi niya.

Ilang gabi na rin siya nagtetext sa akin. Nagpapalipad hangin, nambobola.

Pero... si Yugi kasi ang mahal ko. At kung sakali mang darating ang panahon na mapagod ang puso ko kay Yugi, magpapahinga lang ito ng kaunti at magmamahal muli pero...kay Yugi pa rin.

"Ikaw, how's your heart ba, partner?"- tanong ko.

"Well...may crush din ako." Sabi niya. Nakatingin siya sa akin.

Tsaka ko narinig ang halos sabay-sabay na pag-ayeeee ng audience.

They like our love team.

"Well, I think bawat isa naman partner ay may kanya kanyang mahal at dahil nagmamahal tayo kahit pa na masaktan tayo minsan, this song is for everyone. We sang the song 'way back into love'.

Nang gabing iyon, nakatanggap naman ako ng isang yellow daisy na may nakatape na note. Kinuha ko ang note at binasa.

Are you a sorcerer? You bewitched me.

SA

Napangiti ako. Hindi ako mahilig mangolekta ng mensahe ng mga fans pero ang mensahe ni SA, nilalagay ko sa bote.

7 messages na ang natanggap ko.

Sino kaya siya?

Ang sarap sana isipin na si Yugi 'yon.


Yugi's POV

Nanginginig ako sa galit dahil sa mga walang hiyang tao na iyon.

Kasabay noon, naawa ako kay Lei.

Dumaan kami sa isang bangko. Nilagay ko siya.

"Okay ka lang?"- ako

"Umuwi na tayo"- siya

Tumango ako pero sa halip na kargahin, parang may pwersa na humatak sa akin para yakapin siya. Nang mahigpit.

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon