Yugi's POV
Inayos ko muna ang pagkakasandal niya sa sofa.
Nag-vibrate ang phone ko.
Tumatawag si Alex.
Hayaan mo na.
Pinagpatuloy ko nalang ang pag-ayos kay Lei.
Kinuha ko ang suklay... this time..I am Yugi, the barber! Hehehe
Sinuklay ko ang bangs niya na nakatakip sa mukha niya. Ang haba haba ng buhok ni Lei at ang itim-itim...ang ganda. Yong tipong buhok na pang-model ng shamppo.
Ang bangs niya hanggag taas lang naman ng bibig niya kaya gugupitan ko hanggang noo niya.
Sinimulan ko.
Hmmm...mukhang hindi ata pantay.
Absorbed na absorbed ako doon sa pagpantay ng bangs niya. Nakakiling kasi ang ulo niya sa right side kay mas kita ko ang left side ng mukha niya.
Ang ganda ganda niya. Para akong nakakatitig sa isang tulog na anghel. Perfect ang tangos ng ilong, ang pag-gawa ng lips, ang kutis ng mukha niya ang kinis na mismo ang pimple nahiyang dumihan ang kutis niya. Ang haba-haba ng pilik mata na kung si ate Yuma pa, fake daw. Ang ganda pa ng pagkaguhit ng kilay.
Wow! Ganito ba talaga kaganda ang mga bampira?
Ano kaya ang kulay ng mata ni Lei?
Sumikdo ang puso ko.
Lei..kung alam mo lang na wala kang dapat ikahiya sa mukha mo. Ikaw na nga ang pinaka-magandang nakita ko na babae eh.
Pagmatapos ko gupitan to, for sure matutuwa siya dahil malalaman niya na maganda siya at hindi na siya dapat magtago.
I turned her head sa left side para maipantay ko ang sa right side niya.
Nang matambad sa akin ang right side ng mukha ni Lei, nagulat ako.
Then I became paralyzed for a while.

BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...