Yugi's POV
Pinag-isipan ko talaga ng mabuti kung paano ko siya mapapayag na ipakita na ang mukha niya. Okay, perhaps hindi niyo ako maintindihan kung bakit gustong-gusto ko kasi, unang-una, gusto na ni Author, hehehe. Hindi, kasi ganito 'yon... okay, paano ko ba i-explain... basta, wag niyo sabihin na napakabading ko ha... she's already special to me. Syempre, gusto ko naman makita 'yong mukha ng...ng taong...syempre..especial nga. Ngeee....kakahiya. Basta 'yan na yan. Syempre, gusto ko naman magkaroon siya ng confidence sa sarili niya na hindi niya kailangan..itago ng itago ang mukha niya dahil maganda siya. Okay, siguro iniisip niyo na gusto ko siyang baguhin...pero for good naman dib a? habang buhay nalang ba siya na ganyan? Na magtatago? Okay...kakaiba siya. Pero di ba yong iba naman na bampira parang tao lang naman eh. Yong hindi mo talaga halata na iba sila. Sana ganoon siya. Bad ba ako? Psss bahala na nga kayo mag-isip.
Hmmm...may naisip na ako.
Kayla's POV
Kakatapos ko lang mag-exam. Kapagod kaya mag-aral lalo pa kung pinipilit mo lang na isiksik sa utak mo ang mga pinag-aaralan mo. Yong alam mong isang kutsara lang ang utak mo, isiksik mo ang isang bowl ng information. Tawag doon information overload. Pero..oy, hindi ako bobo. Puso ko lang. Hindi kasi to nakikinig sa utak ko eh.
Naupo ako dito sa café kung saan magkikita kami ni ate Yuma. Actually, nagtataka ako kung bakit siya bigla gusto mag-hang out sa akin. Pero mas natutuwa nga ako. Kasi alam ko pag-uusapan naming si Yugi, ang mga kalokohan nito. Ang mga kaduwagan, ang pagiging protective nito at marami pa at ako,tawa lang ng tawa.
Nag-order muna ako ng Ice tea bago umupo sa sulok na table.
Wala pa naman siya kaya nag-open muna ako ng laptop ko.
Mag-iisip ako ng angle sa news na isusulat ko tungkol sa mga estudyante sa university namin na nakilahok sa protesta.
Pero syempre, inopen ko muna FB ko.hehehe..ganoon talaga... kaya di kaagad natatapos ang gawain..dahil nauuna ang FB.
Scroll ako ng scroll ta's nagbabasa nalang din ako ng news na nililink sa akin.
Tinignan ko phone ko kasi nag vibrate.
Si ate Yuma, malapit na daw siya.
Binalik ko nalang ang attention ko sa FB. Nahagip ng mata ko ang isang video na may kakaibang headline.
EVEN WITCHES HAVE KNIGHT AND SHINING ARMORS
Napakunot nalang ang noo ko. Ang lahat talaga ipopost para lang sumikat.
AYYY....NAKAKAKILIG!!! – ito pa yong description ng nagshare ng video.
Iniscroll ko na pailalim ang FB ko pero may nahagip ulit ang mata ko sa Video.
Ang Jacket!
Parang..parang kay...
Iniscroll ko pataas ang newsfeed ko.
Tinignan ko ang video pero hndi ko pa pinlay.
Nakatalikod ang lalaki pero ang jacket...kilala ko.
Yugi.
Pinilay ko kaagad ang video. Sana lang hindi to virus. Hindi nga.
Blurred pa una-una yong pagkakuha, hindi edited ang video, yong parang nagmomove ang humahawak or may tumutulak sa kanya. Until nagfocus ang video. Nakafocus ito sa isang babae na nakaupo sa gitna ng maraming tao ta's parang binabato ng...kamatis ba?
"Aswang!" sigaw pa nila.
Lalo lang napakunot ang noo ko.
Saan to?
Until mula sa side ng kumukuha ng video may lalaki na lumapit sa babae. Nakatalikod ito sa video pero sumikdo ang puso ko.
Si Yugi nga.
Ano ba 'to? Drama ba ito? Project ba nila ito? Ano ito?
Napatakip ako sa bunganga ng biglang lumuhod ito at niyakap ang babaeng nakatago ang muka dahil sa mahabang buhok.
Ta's walang ano-ano may kinarga ang babae na parang kumakarga ng kanyang bride. Biglang humarap ang lalaki.
Confirm.
Si Yugi nga.
Tumigil ito.
Kahit na hindi kagandahan ang video, kitang-kita ko na galit si Yugi. At kung nag-aacting man siya magaling siyang umacting. Kaso, ang puso ko alam na hindi iyon acting. Parang kinurot ang puso ko. Pilit ko mang isipin na acting lang 'yan, pero nasasaktan pa rin ako.
"Tabi!!!!!! Dadaan kami!!!! Kung ano ang mangyayari sa kanya, tandaan niyo na tanda ko ang mga mukha ninyo!!!!!!"
Sigaw ni Yugi. Nag-stop na ang video pero nakatitig pa rin ako sa laptop ko.
I must call Yugi!
* *********************
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...