Yugi's POV
"Halika ka na, Yugi." Hila niya sa akin habang hawak ang kamay ko.
"A-ayaw ko...ano ba, Lei! Ayaw ko kumain ng atay! Hindi ko yan gusto!"
"Magugustuhan mo na 'yan. Natikman mo na ang laway ko."
"Ayaw ko!!! Ayaw ko pa maging aswang! Hindi pa ako ready!"
Pero hila pa rin siya sa akin ng hila.
Hanggang sa nakarating kami sa bumibinta ng isaw.
"Iyan, Yugi oh. Bilhan mo ko." Turo niya ang atay sa tabi ng isaw.
Nakahinga ako ng maluwag. Atay pala na ihaw-ihaw ang gusto niya!
"Magkano ho?" tanong ko sa tindera
"sampo, isang stick."
"ilan ba sayo?" tanong ko sa kanya
"five." Ta's nagsenyas pa ng five.ang cute cute ng gesture niya.
"lima ho." Tas inihaw naman nong tindera. Lumapit ako sa kanya.
"Ba't ayaw mo?" siya
"Ayaw ko."
"Bakit?"
"Pagkatapos mo magkwento ng kadiri?"
Natawa siya.
Nang maluto na, umupo kami sa bench. Nakayuko lang siya kasi marami ang dumadaan. Ta's sarap na sarap siya sa atay.
"sarap... atay ng tao!" sabi niya at pinadyak padyak pa ang paa.
"aish! Hinaan mo boses mo! Pahalata ka talaga na aswang ka!"
"Hooo!!!! Sarap atay ng tao!" sigaw pa niya. Napakamot nalang ako ng ulo.
"Daliaan mo nga, ihahatid na kita."
"Yugi," tawag niya sa akin.
"Kung uuhawin ka mamya, tawagan mo ako. Marami ako dugo sa bahay."
Waaaahhhh... bakit?? Bakit ganito takbo ng buhay ko??
Tawa naman siya ng tawa.
"Masaya ako Yugi dahil pareho na tayo."
Tumahimik nalang ako.
"Yugi, sabi ko sayo last time kung kakanta ka, I'll do a favor for you."
Tumango ako. Kinantahan ko nga siya ng my toes my niece.
"Ano gusto mo?" siya
"Pakita ng pangil mo."
"ayaw ko nga!"
"Aish, sege, mukha mo, pakita mo."
Natigil siya sa pagiging bubbly.
"Ayaw ko." Sabi niya.
"Sege na."
"ayaw"
"Aish, yan ang favor na gusto ko eh"
"Kukunin ko nalang ang pagiging aswang mo."-siya
Huh??? May paraan pala 'yon?
Saan mas mahalaga? Makita ko mukha niya o mawala ang pagka-aswang ko?
"Pakita na mukha mo!"
"Ayaw"
Psh. Damot. Makikita ko din yan. Gagawa ako ng paraan.
"Kunin ko pagkayanggaw mo."
Wag na!" angil ko sa kanya. Ta's nauna na lumakad. Narinig ko tawa niya.
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...