Heartbreak

115 2 0
                                    


Yugi's POV

katulad ng utak ng author natin na nablock dahil sa isang taon at mahigit ba naman siyang di nagsulat, ang utak ko ay na-block din kung ano ba ang dapat gawin sa masalimoot kong love life!

Para lang akong stalker na nagmamatyag sa palasyo ng aking sinisinta. ano daw? basta, ang ibig ko lang naman sabihin ay andito na naman ako sa labas ng bahay nina Lei at Heneral Luna, aka Matteo.

May dala akong caramel cake dahil sabi sa akin Kayla, ito raw ang paborito ni lei at dahil may sinulat ang author na libro na exclusive lang daw yon sa akin, sinimulan kong sungkitin muli ang puso ni Lei.

Puchang gala naman na author, nabigo lang ulit sa pag-ibig, kung ano-ano nang mga words ang pinag-susulat.

Okay, balik tayo kay Lei... sana naman labasin niya ako ngayon kahit na saglit na saglit lang, sinigurado ko pa naman na nandon sa library si Matteo ayon sa aking matapat na kaibigan na si Kayla.

'Lei...sna d msyang ang cake na to' text ko sa kanya habang nakasandal ako kay Annabeth.

Nag-antay pa ako ng ilan pang saglit pero ang maarteng aswang na bampira na anak ni Sadako wala talaga atang balak na labasin ako. Hayyyy!! nakakaasar na! tutubo at hahaba naman yang bangs na yan eh!

"Annabeth, mukang masasayang na naman tong dala natin na cake eh"

Palpak na naman si Author! sabi kasi isa mga sweet things ang pagbake ng something for your girl pero mukang di uubra ang libro ni author sa mas matigas pa sa bato na puso ni Lei.

A/N: okay lang yan Yugi, walang malambot na bato sa patuloy na ulan

Ano daw sabi ni author? pati sayings niya mali pa. Hay, Lei!!! pinapahirapan mo buhay ko! sakit sakit na ha! 

Dear God, alam ko pasaway ako, pero pls naman oh, sakit na eh!

Pero wala talaga, gagabihin na lang ata ako dito sa kakantay sa kanya na lumabas pero di talaga siya lalabas! pang-ilang cake na to na nareject!

Sayang kaya ang flour at ilog at gatas at asukal na ginamit ko! pati kuryente! pag ako talaga mainis na sa babaeng to, ililista ko lahat nagastos ko at pabayaran sa kanya! ba, ang hirap hirap kaya ngayon ng buhay!

1 minute

5 minutes

10 minutes

30 minutes

hay, ang sakit! 

"tara na, Annabeth..bigay nalang natin to sa mga pulubi na walang makain"

sumakay na ako kay Annabeth. Tinignan ko muna ang second floor nang bahay nila Lei at wait....

Hinawi niya ang kurtina!

And my lips drew a hesitant smile

tinaas ko ang kamay ko para mag-wave pero sinira niya lang ulit ang kurtina.

Mas lalo palang masakit. 

Mas masakit ang isipin na balewala ka lang sa taong mahalaga sayo.

Umalis nalang ako.


Nasa bahay na ako ulit nang mapansin ko na naiwan ko pala ang cake don. Alam niyo ba yong lutang ka? Yong ginagawa mo ang gawain mo pero di mo alam kung ano kasi isip mo naglalakbay pabalik don sa taong laman ng isip mo.

Nakakainis si Kupido no?

A/N: Pasensiya na po dahil after more than a year, ngayon ang ako ulit ng-update. I was just tangled with my work, living in a foreign country, learning the language and coping with my own heartbreak! hahahha..opo..tao din po ako na nabibigo! Truth be told, wala na akong balak balikan to pero dahil may mga taong nag aask na mag-update na ako, medyo napush ako. Salamat sa inyo!  



My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon