Ang mahal kong motor

849 24 0
                                    

Yugi’s POV

                Kinabukasan, kinuwento ko lahat ng pangyayari kay Ate Yuma. As in lahat-lahat kahit na magmikhang duwag ako sa harap ni ate pero love kasi ako no’n kaya di niya ako pinagtawanan. Okey lang ‘yon kay ate. Alam naman niya ang dahilan kung bakit ako ganito ka duwag eh..kasi noong bata pa ako…basta. Ayaw ko na magkwento pero si ate Yuma ko lang ang nakakaalam niyan kaya di ko sasabihin sa inyo.

                Paalis na ako nang maalala ko ang aking motor..sheyt…kapeng mainit. Andoon kina Mat! Alangya naman! Ayaw ko na talaga bumalik pa doon kahit na siguro welcome na kami sa bahay nina Mat. Ayaw ko makita ang kapatid nitong weirdo..akalain mo ‘yon, iyon pala ang kapatid ni Mat. Nagtataka ako kung bakit ang isang cute little girl sa picture ay lumaking isang Sadako na kumakain ng atay at umiinom ng dugo ng tao. Psh, may pagkabampira pala sina Mat. Ayaw ko na magpakita sa kanya dahil baka kainin ako no’n. Hindi dahil bampira siya kundi dahil galit siya na pumunta ako doon sa bahay nila…o di nalaman ng lahat na weirdo pala ang kapatid niya.

                Dapat mula ngayon, magiging alerto ako kasi nararamdaman ko na iiba na ng buhay ko dahil sa nalaman kong sekreto ng magkapatid. Baka nagpa-plano na sila na tapusin ang buhay ko…baka sa susunod na kabilogan ng buwan at ialay nila ako sa kanilang diyos-diyosan..

“DIYOS KO, AYAW KO!!!!!!”

Krrrrk

“Ano ang ayaw mo hijo?” sabi ng driver ng taxi na sinasakyan ko. Nye-hehehe…napasigaw pala ako. Tuloy nagulat si Manong driver.

“Ah, eh, hehe…wala ho…”

“hay, mga bata ngayon di mo na nga makokontrol…kung ako sa iyo hijo, itigil mo na iyan at sinisira ng bawal na gamot ang utak ng tao.”

Ngew…napagamalan pa tuloy ako na adik. Psh…

Yugi’s POV

“ Yugi!”

Si Kayla pala. Si Kayla ang kababata ko. Sa totoo lang kasi, lumaki kami ni ate Yuma sa Japan. Halata ba…Half Japanese kami. Si daddy ay isang Japanese. Maganda naman ang buhay naming sa Japan dati pero aywan kung ano ang nagyari at lumipat kami dito sa Philippines, sa place ng mama ko habang si daddy naiwan sa Japan. Noong una okey lang naman kaming tatlo kahit wala si Dad hangga’t nangyari ang isang aksidente…ayaw ko nang maalala pa. Ayaw kong alalahanin. Pilit kong kinalimutan at nagawa ko naman sa tulong ni ate Yuma.

                Nang magsimula akong mag-school dito, si Kayla ang first friend ko dahil kapit-bahay ko pa siya. Lagi kaming mag-kalaro. Sabi pa nga nila dati, baka daw magkatuluyan kami ni Kayla pero malabong mangyari ‘yon dahil ang totoo wala pa talagang babae ang nagpatibok ng puso ko. Puro lang ako laro eh, pangit naman na nagbibinata ako pero ala akong girlfriend. At isa pa, si Kayla ang babaeng kokonsensiyahin ka pag pinaglaruan mo dahil walang kasing bait, walang kasing talino at walang kasing talented at siya pala ang bida sa book 4..hehehe makasegway si author no?

                “Hoy, ano ba? Bakit ganyan ka kung makatingin, isipin ko niyan…may gusto ka sa akin..hehehe”

                “ha,? Wala kaya…in your dreams…baliw! Hahaha. May iniisip lang ako, hehehe”

                “Ah, kung sa bagay,,di ka nga naman magkagusto sa akin dahil pangit ako”

                “Walang kasing pangit…hahaha,oh, bakit pala, ano ‘yon?”

                “ah, wala naman…masama bang mangamusta sa friend ko?”

                “hindi naman,  kaso nagtaka lang ako, ikaw pa na parang laging busy, may drama club, staff ng ating school paper, dean’s lister, at part-time singer pa may time na makipag-chikahan sa akin,eh sa lagi kitang nakikita na nagmamadali.”

                “I make my life busy kasi para di ako madepress,hehe”

                “Madepress? Bakit?”

                “Kasi…di ako pinapansin ng crush ko..hahaha”

                “Ha? May crush ka? Sino? At di ka niya pinapansin…baliw ba siya? Ikaw pa”

                “Naks, lumaki naman ulo ko..hahaha..bliw nga ata siya…manhid pa.”

                “Hahaha, really? Sino ba? “

                “Si…”

                “Yugi!!!” si Apollo. “Hi, Miss beautiful” sabay kuha sa kamay ni Kayla. Psh,..

                “Psst, ano ‘yan? Bitawan mo nga ang kamay niya…manyak ka talaga Apollo.”

                “Ay, hehe. Sorry naman..gusto ko lang makilala ang girlfriend mo Yugs…di mo sinasabi na girlfriend mo pala si Miss singer.”

                “Hindi ko siya girlfriend…pa’no mo..”

                “nagkikita kami minsan sa club na, singer ka din diba?” si Kayla.

                “ Natatandaan mo pala ako…wow, alam mo ban a kahit minsan simula ng marinig kita kumanta, di na kita nakalimutan” sabay ngiti ni Apollo. Nyay..no wonder maraming nagkadarapa dito kasi magaling sa salita eh.

                “Sus, Iyon din sabi mo sa checks na nameet natin kagabi eh!” Si Alex na naandiyan nap ala sa likod namin.

“Hahaha, talaga? Kikilgin na sana ako kaso bola lang pala” sabi ni Kayla ta’s tumingin sa akin.

“ Ay, naku Kayl, maniwala ka diyan…”ako

“I know! Kilala naman na ganyan si Apollo eh…”

“Wow, sikat pala ako…” Apollo

“matutuwa ka pa? eh sikat ka dahil sa pagkabolero mo?!” si Alex

“Psh, lam mo Lex, kung di ka lang tomboy iisipin ko na gusto mo ako!” si Apollo

“Blahhhh…nasusuka ako sa’yo Apollo!, Miss ganda, pagpasensiyahan mo na to ha,by the way, Alex pala.”

“Hi, Kayla. Kababata ako ni Yugi, kaso di na kami kasi lagi nagkikita eh, kaya di ko na alam ang mga friends niya..”

“Wow pre, di mo man lang sinabi na may kababata ka pala na walang kasing ganda! Hi, Apollo pala.”

Sabay kindat ni Apollo at lahad ng kamay.

“Haha, I know you Apollo but I think nagkamay na tayo kanina” Si Kayla

“paraparaan lang Apollo eh, no?” Ako

“By the way, asan si Mat?” ako

“Kung ako sa’yo di ko gugustuhin na makita pa si Mat.” Si Alex

“Ah, excuse me, una na ako sa inyo.” Si Kayla

“Sege” ako at Alex

“Nice meeting you Kayla! See you ‘round”. Si Apollo

“Sege” Si Kayla.Ta’s lumakad na siya.

“Ang motor ko andoon sa kanila!” balik ko sa topic namin.

“Kunin mo do’n” si Apollo

“Samahan mo ko?” Ako

“Kaya mo na ‘yan, at magpapractice pa ako mamya no.”

“Sabihin mo, duwag ka rin! Magsama nga kayo!” Si Alex

“Hoy, hindi ha!” Ako at Apollo.

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon