Author: Dahil galit ako ngayon, magsusulat ako! Baka puro poot ang maisulat ko.
Game na.
Yugi's POV
Kahit na grabi kanina ang practice namin sa basketball dahil malapit na nga ang game namin sa ibang school, hindi pa rin ako makatulog.
Kanina lang, ni research ko kung may mga tao bang nawawala sa lugar namin.
Marami.
Hanggang ngayon, ang iba ay hindi pa nakikita.
Sila ba ang naging pagkain ni Lei?
Pero baka naman, sadyang nawawala lang sila at hindi naman si Lei ang may kagagawan noon.
Ang dami dami kong iniisip.
Bampira ba talaga si Lei?
Napakalaking problema iyon kasi... kasi... hay... paano nalang siya tatanggapin ng mga kaibigan ko? Ni ate Yuma?
Paano kung maging masalimuot ang buhay ko dahil sa pagkakaugnay ko sa kanya?
Paano kung iisipin din ng mga tao na bampira din ako dahil girlfriend ko siya?
May balak ba talaga siya na kainin ako? O gawin kayang katulad niya?
Maliban diyan, gumugulo din sa isipan ko kung bakit natatakot siya sa mga tao. Mas higit nga siyang makapangyarihan eh.
Bakit kaya niya tinatago ang mukha niya na ang ganda naman niya. Mas higit na maganda sa babaeng nakilala ko.
Mas maganda pa nga siya sa nymp ng karagatan.
Aish... ano ba pinagsasabi ko. Naging manunula na ata ako. Ang point ko lang, bakit niya tinatago mukha niya?
May ano sa mukha niya?
O sadyang weird lang siya?
Bakit ganoon siya? Bakit mas gusto niya ang mga nakakatakot na bagay?
Paano naman ako mabubuhay kung magsasama na kami?
Magsasama?????!!!!
Napakamot ako sa ulo ko. Bakit ba ganyan ang iniisip ko?
Pero alam ko na malungkot siya.
Ano kaya ang dahilan dahil nararamadaman ko na maliban sa pagkakakulong, may iba pa siyang dahilan kung bakit siya malungkot.
Ano kaya?
Higit sa lahat, iniisip ko rin na handa na ba ako na maging iba ang buhay dahil...dahil...waaahhhhh...Basta...alam niyo na. Kahit na hindi pa ako ready na pangalan ang nararamdaman ko.
Handa na ba ako?
Hindi. Dahil bampira siya.
Naisip ko siya.
Ang ngiti niya.
Ang tunog ng tawa niya.
Ang pagtugtug niya ng violin.
Ang pag iyak niya.
Ang yakap niya.
Ang mukha niya.
Waaaahhhhh...OO, oo....parang kakayanin ko na nga!
Kinuha ko ang canvass. Matagal na rin akong hindi nakakapagpinta.
Matagal na matagal na.
Kaya ko pa kaya?
Si papa...
Si papa lagi ang naiisip ko sa tuwing hahawak ako ng canvass at paintbrush.
Si Papa ang coach ko.
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomansaUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...