Kayla's POV
Wala naman sana akong balak na pumunta sa library eh, ang dami ko pa kayang article na isusulat! Di ko nga tapos na itranscribe ang interview ko sa Sungit na Matteo eh pero ang magaling kong kaibigan, na parang nakapasugo ng alipin niya na bantayan ko daw ang pinaka least favorite na tao ko sa mundong ibabaw habang siya nilalandi don ang witch na kapatid ni Sungit.
So pumuwesto ako dito sa medyo pinakasulok ng library para di mapansin ng Sungit. Magwardiyahan lang ba siya.. masigurado lang na naandito siya para di mabugbug si Yugi. Pero kung alam lang ni Yugi na ang sakit nito sa akin. Hanggang kailan pa kaya to na pasakit Yugi? Kailan mo pa mamapapansin na tapos na ang kabata ninyo ni...Lei. Kahit pagbanggit ng pangalan niya, ang sakit eh. Mas gusto ko siyang tawaging witch pero sa ganda ba naman na yon na nakita ko sa pool, witch ba yon? Para yong combination ng anghel at prinsesa eh na nihulog mula sa langit para maging tao at para mamatay lahat ng babae sa inggit!
Kung alam lang ni Yugi na di ko to ginagawa para magkaayos sila ni lei, giangawa ko to para di siya mahuli ni Matteo at di siya mabugbog at para makita niya na tapos na ang lahat kay lei..tapos na.
Tumayo ang sungit at binalik ang libro sa shelf tapos pumunta sa isang section.
Lintik naman na sungit to, kailangan manatili lang siya sa vision ko..mamaya akala ko pala andiyan pa siya, ayon pala umuwi na tas naabutan don si Yugi, eh di patay na.
Tumayo ako at binalik din nag libro sa shelf. Pasimpli ko naman siyang sinusundan habang kunwari patingin tingin ako sa libro pero siya talaga ang minamatyagan ko.
Umupo siya don sa medyo dulo at nabusy-busyhan sa libro niya.buti nga para di niya ako kita. Kumuha ako ng libro at umupo don sa pinakadulo na table.
Kakaupo ko palang and then he closed his book and stood up. Binalik niya ang libro niya sa shelf at pumasok sa General section ng library.
Tas tumayo din ako at pasimplin na sumunod don at kumuha ako ng libro. Kunwari busy ako sa kakatingin ng book. Tas ng tinignan ko siya sa kinatatayuan niya, wala na siya! Letse! Asan na siya?
Umikot ako, baka naandon lang siya. Hanap ako ng hanap sa kanya ng makita ko siya na nakatayo don sa pinaka last na bookshelf na tutok na tutok sa libro niya. Kinuha ko ang libro ko at pasimpli na binasa habang manaka-naka ko siyang sinusulyapan.
Nakaalis na kaya don si Yugi nang matapos na tong sunod na sunod ko sa Sungit na to! Nagmukha akong stalker!
Sinulyapan ko siya muli at....
Nakatingin siya sa akin!
Kaagad ko na binawi tingin ko at nagbusy busyhan sa libro!
Diosko! Diosko! Pls...ilayo niyo po ako sa gulo!
Mabuti at mukhang pinalampas niya tsaka umupo don sa table. Umupo ako sa pinakadulo.
Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at nang matext na nga si Yugi!
Tinatago ko phone ko sa libro na binabasa ko kunwari at nagtype ng message.
'Yugs,.. andiyan ka------'
May biglang umupo sa harap ko!
"Instead of stalking me, why couldn't you tell me you like me?"
Ay Jusko po! Bakit di po kayo nakinig sa akin! Gulo na naman to!
Kalma Kayla! Nasa library ka.
Tinignan ko siya ng diritso.
"me?" tanong ko ng mahina na tinuro ko pa sarili ko.
He smirked. Sarap paghahampasin ang punyeta.ngiti palang niya pahiyang-pahiya na ako!
Sa halip na sumagot, kiniling niya lang ulo niya and observed my face intently. Sinilaban ang puwet ko! Dios ko, ayaw ko na! bahala ka na Yugi!
Tatayo na sana ako ng bigla siyang magsalita ng mahina.
"You are more beautiful when you blush" sabi niya and smiled lopsidedly.
Bago pako makahirit ng pamatay na sagot, tumayo na siya. Kala ko aalis na. Yumuko at bumulong sa tenga ko.
"see you later"
Nakalabas na siya ng library pero di parin ako nakakalma sarili ko. Gusto kong ibato sa kanya ang libro kung di lang to library! Why do I feel so embarrassed! Kala niya gusto ko siya! Tse!
Pero grabi talaga ang pagtambol ng heart ko. Nagpapalpitate ata ako. Kalma heart! Anong nangyayri sayo! Pusang gala naman eh
Bakit may something na di ko mapangalanan akong naramdaman ng bumulong siya? Shit! Kapeng mainit!
LPwW2-]_��0
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
Любовные романыUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...