LQ

623 23 2
                                    

Yuma's POV

Yugi must be in love!

Kanina pa ako hindi mapakali sa kakaantay sa kanya. Okay... you don't understand why I'm over reacting at sobrang protective when it comes to Yugi pero maiintindihan niyo rin when time comes.

Tapos dumating siyang sakay ni Annabeth, ang motor na niregalo ko sa kanya.

He's whistling!

Ta's parang hindi lang ako napansin na nakaupo sa sofa.

Dumiretso siya sa kusina, kumuha ng tubig ta's biglang ngingiti ta's hindi pa rin ako pinapansin!

Bumalik siya sa sala, sunod pa rin ako sa kanya.

Umupo siya at umupo din ako sa katapat.

Nanonood ako ng CNN news ta's tutok na tutok din siya.

Kailan ba ito naging mahilig manood ng balita?

Tapos, ni hindi man lang hinubad muna nag jacket at sapatos niya.

My gosh! He didn't even say hi.

Titig na titig ako sa kanya. Nangalumbaba siya at titig na titig sa News.

Tapos dahan-dahan pumorma sa labi niya ang ngiti. Tinignan ko ang lumalabas sa TV, binabalita na mas lalo pang lumawak ang pag-oocupy ng China sa West Philippines sea. Ano ang nakakatuwa doon? Bakit siya nakangiti?

"Hi!" di ko na matiis na pagmasdan lang siya.

Tumingin siya sa akin tas ngumiti.

"Hello" sabi niya. Ta's bumalik ulit sa TV ang mata.

Sarap pektusan!

"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya ng mahinahon.

"Uhmmm...andoon lang." lutang pa ring sabi niya

"saan?"

"andoon lang" sabi niya tas tumayo pumunta sa kwarto niya na naghuhum ng song.

Napailing ako. Sinundan ko siya.

"why?" lingon niya sa akin.

"You're happy, care to share?"

Nag-alangan siya.

"Ahm..not this time ate."

"Hmmm... gusto ko na magtampo ah...to whom I owe that smile? That...that... very happy, very inspired smile?"

Natawa siya.

"Wala!" sabi niya.

Napatango-tango ako. "Alam mong malalaman ko din."

Ta's nagkibit-balikat lang siya.

Ta's tinitigan ko ng kakaiba, iyong titig na nanunukso.

"Ano ba!... labas na nga!" siya habang nkatawa tas pinagtutulak ako palabas ng room niya.

"Wait!" ako. " Yugi, next time, kung saan ka, update ka naman sa akin ha... nag-aalala ako eh."

"Aish, ate. Para akong bata!"

"Nain-love ka lang, ayaw mo nang i-baby kita! Baka ayaw mo na ring tawagin kitang babe?"

"Hehehe... paminsan-minsan lang." Kumindat pa siya. Pag-ganyan na, nawawala kaagad ang inis ko sa kanya.

"Yugi, be very careful ha."

"Ate, ano ka ba! Hindi ako mamatay, in-love lang ako!" sabi niya na parang nababanas. Pero ako, napangiti. Nabibingwit nga talaga ang isda sa bunganga.

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon