Yugi's POV
Nasa tapat na ako ng bahay nila Mat at Leah.
Tinawagan ko siya.
Please Leah, sagutin mo na.
"Hello"
Parang lulundag ako sa tuwa ng sagutin niya ang kanyang cellphone.
"Lei, andito ako sa labas, pede bang pumasok diyan?"
Hindi siya sumagot.
I crossed my finger.
"Alam mo naman ang daan Yugi, at alam mo naman kung saan ang susi ng gate."
Napangiti naman ako.
Ta's pinatay ko Cp ko.
Pumasok ako.
Ta's umakyat sa taas.
As usual, nakupo na naman siya sa sofa niya na kasama ang mga laruan niyang mga nakakatakot.
Ala ko naman na naramdaman niya na andito na ako pero hindi pa rin niya ako nilingon, sege lang ang suklay niya sa buhok ng manika niyang kakatakot.
"Lei..."
Hindi pa rin niya ako nilingon.
Ano ba yan... ang arte. Feeling mahaba ang hair.
"Pssst, Lei."
Napadako ang tingin ko sa isang sulok kung saan nakadisplay ang mg collection niya ng mga laman ng tao na naka-bottle. Sa gitna nakalagay ang binigay ko sa kanyang snowball.
Kaagad kong nilapitan at hinablot ang snowball.
"Ano ba 'yan Lei.. wag mo naman ihilera sa mga nakakadiring bagay ang binigay ko sayong snowball."
Tsaka ako lumapit sa kanya. Bigla ba namang hinablot ang snowball sa kamay ko at nilagay ulit doon.
Nakasimangot lang ako.
"Diyan ko gusto ilagay eh,"
"Pangit kaya! Yakkk..ang gand-ganda ng bigay kong snowball, inihelera mo lang sa mga---"
"sa akin place ito kaya ako ang masusunod" –ayan na naman siya pagiging bossy niya.
"Sa akin naman ang snowball ah!"
"Sa akin na 'yan kasi binigay mo na... ba't ba nandito ka, umepekto na ba ang yanggaw?"
Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.
"Ano ka ba Lei, hindi ah! Hindi eepek sa akin yang yanggaw na 'yan. Ba't ba ang sungit mo, red alert ka ba ngayon?"
Napatingin lang siya sa akin. Dahil nga hindi ko naman nakikita ang mukha niya kaya hindi ko alam kung nao ang reaction niya.
"Anong red alert?"
Natawa ako.
"Paupuin mo muna kaya ako."
Tinuro niya ang space na malapit sa mga manika niya.
"D-dito nalang ako."
Tsaka pinausog ko siya para siya doon sa malapit sa mga nakakatakot na manika.
"Ano 'yang dala mo?" sa supot ko siya nakatingin.
"Atay at saka puso at saka dugo! Kaso.. sa baboy nga lang."
And then her lips formed a smile. Natuwa naman ako.
"Bati na tayo?" ako
Tumango siya.
"Ito oh, nagdala ako ng pine apple Juice. Alam ko naman na mas gusto mo ang dugo kaso lang, try mo na rin ang pineapple, may fiber 'yan kaya pampalinis ng dugo."
Ta's pinakita ko sa kanya.
Now or never. Kailangan ko na maisakatuparan 'to.
"Ayaw ko."-siya
Na-dissappoint naman ako.
"Sege na!"
Ta's binuksan ko ang lata ng pine apple Juice at binigay ko sa kanya. Kinuha ko rin ang atay at nilagay sa kamay niya.
"Masarap ang atay sa pineapple Juice kaya kainin mo na..." Pinagpipilit ko sa kanya.
"Kumain ka din ng atay."-siya
Napatigil ako bigla. Ano ba yan...ewkkkk... pinalaki po ako ng ate ko na hindi kumakain ng street food lalo ng atay, dugo at puso! Yakkkk....
"Sege," ako. "Basta pag kinain ko 'to, uminom ka ha ng pineapple juice ha."
Tumango siya ulit.
Nagkagat ako ng atay pero kunting-kunti lang talaga. Okay... isipin mo nalang self na kumakain ka ng mashed potato... hmmm...not bad.
Nakangiti siya ng tumingin ako sa kanya.
"Not bad" –ako
Kinagat niya ang isang atay na nakatuhog.
"ang sarap-sarap."-siya
"Uminom ka oh.." bigay ko sa kanya ang juice.
Kinuha naman niya at nilapit sa bunganga. Para namang di ako makahinga habang nilalapit niya ang lata sa bibig niya.
Eeeeeekkkkk...
"Mamaya na ako uminom" –sabi sabay lagay ng juice sa tabi niya.
Pinigilan ko nalang ang sarili ko. Pasasaan din ba't maiinom mo din yang juice na 'yan so self, kalma dugo.
Inubos niya ang pasalubong ko kahit pa nga pinipilit niya rin akong pakainin.
Ta's hay sa wakas..ininom niya rin ang juice na bigay ko.
Ako si Yugi, na may sungay at buntot...bwahahaha...ngayon, naisakatuparan ko na ang aking mga balak...ekkk..joke.
Baka magalit sa akin si Nathaniel na anghel...hehehe.
"Yugi, tugtugan kita. Ikaw ang audience ko, kunwari may concert ako...kasi gusto ko 'yon..kaso nga lang hindi ata 'yon matutupad."
Ta's tumayo siya.
Kinuha niya sa iang sulok ang violin niya.
Napakalambing ng tinutugtug niya.
Faithful love. Ito rin ang unang tinugtug niya sa akin noon.
Ta's bigla siyang huminto.
Ta's umupo sa tabi ko.
"Bakit?"-ako
"Nothing.." tas unti-unti ko nalang napansin na napasandal na siya sa sofa at malalim na ang paghinga.
"Lei..."
Di siya sumagot.
"Lei...hoy.. tulog ka na?"
Niyugyog ko siya.
"Lei...hahawiin ko ang buhok mo sa mukha mo..sege ka..."
Pero di pa rin siya nagalaw.
Dahan-dahan akong napangiti. Effective ang pampatulog na nilagay ko sa juice! Bwhahahaha.
Kinuha ko ang gunting sa bag ko.
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...