still hoping

514 20 0
                                    

Yugi's POV

I didn't even bother to lock the door. Para ano pa? eh kung gusto pumasok ng mala-magnanakaw kong kapatid, lagi naman niya nabubuksan ng di ko alam kung paano.

Bakit ganoon no? kung broken-hearted ang isang tao parang walang lasa ang kanin, parang ang lungkot lungkot ng paligid, sabayan pa ng walang humpay na ulan na mas malungkot pa ata kesa sa akin na hindi man lang dinungaw ni Lei at hinayaan na bugbugin ng kapatid niyang mas masungit pa sa nag-memenopause na Miss Minchen sa Sarah, ang munting prensisa.

Ano ban g pinagsasabi ko? Nababaliw na ata ako. Basta nakakasama ng loob na hindi man lang ako dinungaw ni Lei, ni hindi man lang siya na touch na nagpaulan ako doon? Di ba ang ibang babae, lalo na sa tv pag ang lalaki nagpapabasa sa ulan para humingi ng sorry, nato-touch na sila? Si Lei...pusong bato ata ang isang iyon... si Lei, pusong-bato... si Matteo... mas masungit pa kay Heneral Luna... ano kaya ang pinaglihi ng nanay nila sa kanila?

Tinigil ko ang pagpipinta.

Ta's kinuha ko ang phone.

I dialed her number.

Pero hindi niya sinagot.

I texted her.

'you're like a rose...lovely but you thorned me. My heart's bleeding.'

Humiga ako sa kama.

Lei...ano bang gagawin ko para mapatawad mo ako?

My cp beeped. I lazily opened it thinking it was Paolo na mangungulit na naman kay ate.

But...it was Lei!

Bigla akong napabangon para basahin lang ang message niya.

'you were dear to me but perhaps what they say are true; the people who give you higher dosage of pain are those dear to you.'

Bigla para akong iiyak. Ang sakit naman. Ang sama sama ng loob ko. Ito ang nararamdaman ko kung galit sa akin si ate at hindi ako pinapansin, ang kaibahan lang...this is so much more.

I typed a message.

'tell me, how could you forgive me?'

I waited for her text but she didn't.

Humiga nalang ako ulit at uminit yong sulok ng mata ko. Hanggang sa sumikip ang dibdib ko. Ang sama talaga ng loob ko. Ayaw ko isipin na wala na talagang pag-asang magkaayos pa kami ni Lei pero mukha ngang doon na iyon patutungo. At shit naman... para akong di makahinga sa isiping iyon. First time in my life!

I dialed her number.

I listened to her ringback.

~something's tellin' me it might be you...all of my life~

She didn't answer.

I dialed again. I just want to hear her ringback. Then she picked up!

I waited for her to say hello. Pero wala. Hindi ako nagsalita. I wanted to hear her voice.

1 minute

2 minutes

3 minutes

Then she hung up.

I dialed again. Sinagot niya ulit. Pero hindi pa rin nag-hello. Parusa ba ito? Ayong gustong-gusto mong marinig ang boses niya, ta's hindi man lang magsasalita? Kung hindi lang siguro masama ang hangin sa pagitan namin, kanina ko pa siya sinabihan na, ' naputol na ang dila mo? Ano na ngayon ang pantakot mo sa akin? Ano na ngayon ang iwagayway mo para mahanap ang atay ko? '. Pero baka kasi lalo lang magalit.

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon