Leah's POV
Ang lungkot ko dahil naalala ko ng buhay pa si Sam.
Natulo ang luha ko.
Pero wala naman akong mga kaibigan na pwedeng kausapin, wala naman akong kaibigan na pwedeng iyakan.
Hindi sila makakaintindi sa akin, matatakot lang sila sa akin.
Ayaw ko naman na problemahin pa si Kuya dahil marami na siyang trabaho, marami pa siyang inaasikaso.
Si teacher naman, lagi nag-aabsent at nahihiya naman ako na sabihin sa kanya ang kalungkutan na bumabalot sa puso ko.
Nilapitan ko ang kalabira kong mannequin, si Jason.
"Jason, nalulungkot ako" Tapos umiyak ako.
"mabuti, naandiyan ka para may makausap ako."
"Asan na ba si Anabel?"- ako. Si Anabel ay 'yong manika na na nakaktakot sabi nila. Pero ang totoo, hindi naman sila nakakatakot eh. Nakakaawa nga sila dahil kinakatakutan sila ng mga tao,tuloy wala na silang kaibigan. Parang ako lang din, wala akong kaibigan dahil kintatakutan ako ng kapwa ko.
Lalo akong naiyak.
Nahiga nalang ako sa higaan kong kabaong at tinakpan para hindi marinig ni kuya ang pag-iyak ko kung dumating man siya.
Leah's POV
Dahil sa nag-iisa na naman ako dito sa bahay, naisipan kong tawagan ang nakakatawang kaibigan ni kuya.
Napangiti ako ng maalala ko siya.
Sa wakas, maliban kay teacher at kuya, nakakasalamuha na ako sa mga tao kaso katulad din ng iba, takot siya sa akin. L
Pero mas mabuti na iyong takot siya para may dahilan na 'wag niya akong iwan. Kung di siya takot sa akin, siguro dina 'yon susunod.
Hmmm...mas mabuti na takutin ko pa siya lalo para lang siya sumusunod.
Napatawa ako. Pero kawawa naman siya, mukhang takot talaga sya. Bakit kaya walang kasing duwag iyon?
Hmmm, sayang gwapo pa naman sana. Napangiti ako. Ano kaya ang masasabi ni Sam kung nandito siya at sasabihin niyang nagwa-gwapuhan ako sa isang duwag na lalaki?
Siguro matatawa iyon o sasawayin ako at sabihing, huwag na makiibigan dito dahil baka masaktan lang din ako.
Pero, sayang naman, wala akong alam sa totoong saloobing ng ibang tao, lagi ang kuya ko at teacher ko ang nakakausap ko kaya kahit na duwag ang kaibigan ng kuya ko, kakaibiganin ko nalang din para madadala ako nito lagi kay Sam.
Tinawagan ko ang number niya gamit ang cellphone na bigay ni kuya para matawagan ko daw ito kung nasa school siya.
Kring, Kring, Kring
"Hello"- sabi ng isang boses na babae
Napakunot ako ng noo.
Bakit babae? Mali siguro ang binigay niya sa akin! Humanda siya! Lalabas ang pangil ko!
"Hello?"sabi ulit
"Hello"- malamig kong sagot
"Yes? "
"Kaninong phone number ito?"-ako
"Bakit?"
"Akala ko kasi sa kakilala ko"- parang robot kong sabi
"You mean, kay Yugi? This is his girlfriend, bakit?"
Nabigla ako. May girlfriend pala siya? Maganda kaya ang girlfriend ng lalaki? Siguro maganda dahil mukhang hindi naman ito papatol sa mga pangit...na katulad niya.
Pero baka maging sagabal ang babeng ito sa mga plano niya!
"Hello?"-sabi pa nito
"Asan siya?"-ako
"Why are you looking for him? Girlfriend ka din ba niya?"
Napangiti ako. May naisip na ako.
"May sasabihin ako sa'yo kaya makinig ka," –ako " Wag ka na makipagkita kay Yugi simula ngayon."
"What?? Who the hell are---"
"Akin lang si Yugi! At kung sino mang umagaw sa kanya mula sa akin ay matitikman ang lupit ko! Bwahahahaha!"
"What?? Are you crazy?"
"Hindi. Kaya simula ngayon, wag ka na makipagkita sa kanya at sabihin mo sa kanya na tumawag sa akin sa lalong madaling panahon kung ayaw niyang maging hapunan ko!"
Tapos pinatay ko na.
Napangiti ako sa kalokohan na ginawa ko. Ang bad bad ko. Pero mas mabuti na walang girlfriend ito para walang hahadlang!
/v3
![](https://img.wattpad.com/cover/16298769-288-k619251.jpg)
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...