Si Yugi... duwag pa rin

681 25 0
                                        

Yugi's POV

Salamat naman at nakauwi ako ng bahay na buo pa ang macho kong katawan. As usual wla na naman si ate Yuma. Busy kasi si ate ko sa naiwang corporasyon ng aming ama. Kawawa nga si ate ko eh dahil bata pa siya para sa ganoong klaseng responsible. Nag-aaral pa lang siya pero may obligasyon na siya sa kompanya ng daddy namin.

Hindi ko talaga alam kung ano ang buhay ko kung wala si ate ko. Sege na, alam ko na ang iniisip niyo...na weak ako na pa-bebe ako. Psh... bahala kayo sa iisipi niyo. Kasi ang totoo, ako din ay di alam kung bakit ganito ako kaduwag... Aish...sabi naman ng ate ko hindi daw no! pero bakit nga ba Uhm...kasi noong bata ako..ano ba noong bata ako? Hindi ko masyadong matandaan. Basta minsan nanaginip ako na na isang kwarto daw ako at napapalibutan ng lahat ng mga nakakatakot. Pero sabi lang din ni ate, panaginip lang daw kaya wag ko masyado naiisip.

Maliit pa lang kasi ako, wala na kaming mga magulang ni ate. Maliit na maliit pa ako kaya di ko masyado natatandaan ang lahat ng pangyayari.

Mula noon, si ate ko na ang naging kasama ko, naging kakampi ko. Si ate ko...hindi ko kailan man nakita na umiyak. Kaya hindi ko papayagan na umiyak si ate ko sa kahit na sinong lalaki lalong lalo na sa Paolo na 'yon! Numero uno pa naman na basag-ulo 'yon kaya nga repeater eh. Basta, Author, ayaw ko talaga kay Paolo para sa ate ko kaya sigurado na ako ang kontrabida sa love story nila no? Hindi naman sa ayaw ko talaga kay Paolo, kaibigan ko nga siya eh. Gusto ko siya bilang kaibigan, wag lang bayaw! Ayaw ko na may kahati ako sa ate Yuma ko., >,< . Bata na kung bata, basta ayaw ko talaga.

(Author: Selfish mo Yugi!)

Hmp! Basta. Ayaw ko. Bata pa si ate Yuma. Mga 30 nalang siya magboyfriend!

(Author: Harujusko! Nag-aasawa na ang ganyang edad!)

Hmp! Basta!

(Author: Yugi, bata...)

Psh..ayaw ko.

By the way, Author...balik tayo sa istorya ng buhay ko. Ano ba ang nararapat na gawin diyan sa bampira na aswang na 'yan para matigil na sa kakablackmail sa akin?

(Author: WAla, eh sa 'yan talaga ang buhay mo eh.)

Aish, hindi ka man lang naawa sa akin? Ako pa naman ang unang bida sa istorya mo tapos ginawa mo namang horror story ang love life! Sa halip na kiligin ang nagbabasa, natatakot na sa takbo ng utak mo!

(Author: Sa lahat ng character ko, si Yugi ang laging kinokontra ako! Si Yugi ang laging nagrereklamo!)

Author naman, sino ba ang hindi magrereklamo sa takbo ng istorya ko?

Akalain mo ha, ako itong gwapo na at mabait na nilalang, namumuhay na matiwasay sa isang lungsod na puno ng pagmamahalan at pag-uunawaan, nakilala ang isang Sadakong kapatid ni Mat na kaibigan ko na walang kasing sungit, palibhasa'y walang girlfriend. Nang makilala ko si... sino ba 'yon? Ano nga ulit ang pangalan ng bampirang aswang na iyon? Uhmm... Leah ba? Ah, tama...ka-ganda-ganda pa naman ng pangalan, tapos, katakot-takot naman! So, nang makilala ko siya, nalaman ko na hindi pala ako isang normal na tao, isa na akong abnormal. Aba, sino ba ang taong may kaibigan na aswang na bampira? Ako lang ata! Ang mapait pa ay ginawa akong kasangkapan sa mga krimen na ginagawa niya! Uwaaaa... At ang mas mapait pa ay, inaalipusta niya ako! Tinatakot niya ako na kainin ang atay ko at inumin ang dugo ko! Hindi kaya hindi naman siya tunay na bampira? Tinatakot niya lang kaya ako? Pero bakit sa kabaong siya natutulog? Bakit ang kinakain niya ay atay? At iniinom niya ay dugo? Bakit may mga kalabira siyang kaibigan? Waaaahhhhh.... Hindi ko na dapat pagdudahan pa, isa talagang kampon ng kadiliman ang kapatid ni Matteo! Isumbong ko kaya sa mga pulis? Pero baka hindi naman sila maniwala, baka pagtawanan lang ako at sabihing nakadroga. Hmp, ano ban g nangyayri sa akin? Ano na ba ang takbo ng buhay ko? Ano pa kaya ang gagawin niya sa akin lalo pa't kinuha niy ang number ko? Ipakulam kaya niya ako?

Biglang na-imagine ko siya na nasa harap ng apoy, dinadasalan ang number ko at biglang bumukas ang kanyang mga mata, nanlilisik, nagbabaga at bigla siyang bumunghalit ng tawa...tawa ng isang demonyo!

Uwwwwwaaaaa!!!!

Putik na buhay to!

Mabuti pa matulog nalang ako.

My weird girlfriendMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon