Kayla's POV
So here I go.
I closed my eyes. Kaya ko to. Kaya kong lumapit ulit sa isang nilalang na pinanganak na nakasimangot na.
"Hi!" sabi ko sa kanila. Kasma niya kasi ang mga barkada niya. Pati si Apollo.
Kaagad naman tumayo si Apollo at lumapit sa akin.
"Miss Singer! Upo ka, upo ka."
Ngumiti naman ako pero ang mukha ni Matteo parang painting na abstract. Hindi ko maintindihan.
"Ah, okay lang. kasi ano... pede ba kita maka-usap saglit lang Matteo?" napatingin sila lahat sa akin. Ngumiti naman ako. Ngiting aso.
"what about?" malamyang sagot ni Matteo.
"Kasi ah...pwede ba kitang interviewin?"
"wow! Para sa ano kayl?"- si Apollo ulit.
"isa ka sana sa mga estudyante na i-feature namin sa pub" –sabi ko
"Gusto ko din!"- sabi ulit ni Apollo. Sinipa naman siya ni Alex.
Gusto ko namang sipain ang mukha ni Matteo, parang wala lang. siya lang ang hindi excited sa lahat ng mga taong i-feature namin.
"I'll think of it first."- sabi niya lang.
Bakit ba napakaarte talaga nito? Presidente? Kay pogi mo? Feeling pa-special ang peg? Grrr... kung pwede lang pumatay ang isip, kahapon pa nakalibing nag isang to!
Pero ngumiti lang ako.
"sege. Alam mo naman number ko di ba?"
"what, may number ka na ni Miss singer Matt?"
Tinignan lang siya ni Matteo.
"Sege alis na ako."
"Sege, Kayla."- sabi nila pero ni hindi man lang umimik ang bwist na Matteo.
So ayon, after 2 days pa siya nag-confirm. Ganyan talaga ang gusto ni Matteo. Kailangan ituring mong napaka-espesyal!
In his face. Mukha niyang super pangit. Feelingero!
Kung di lang kay Yugi eh!
"Ah guys, baka gusto niyong magtanong sa kay Matteo Sanchez? Iinterviwehin ko kasi siya, baka may i-add kayo?"- sabi ko sa mga kasamahan ko pub.
"really? Tanongin mo chief kung may girlfriend na siya."
"at saka tanungin mo rin chief kung naka-ilang girlfriend na siya? Kailan ang first kiss niya, ganoon chief. Hahaha"
Natawa na rin ako sa kanila.
"chief, tanong mo naman kung ano ang gusto niya sa babae, for sure, ang daming students ang magusgustuhan ang tanong na yan."
"tsaka chief, tanungin mo kung may crush ba siya ngayon ha,"
Natawa ako.
"walang gustong magtanong kung ano ang org niya? Ano ang purpose ng org niya? Paano niya nababalance ang studies and ang basketball kasi dean's lister pa rin siya. Wala ganoon?"
"sus, alam na naming na ganyan ang mga ta nong mo chief, pero syempre, tanungin mo rin yong mga gustong itanong ng mga girls!"
"bakit hindi niyo itanong kay Cupid? Kayo lang ata nag may gusto malaman yon eh."
"sus chief, believe us. Maghihiyaw ang mga estudyante kung mabasa nila sa sulat mo na walang girlfriend si Matteo!"
"at nga pala chief, tanungin mo rin kung sino may napupusuan na siyang date sa senior's ball."
"heh! Antagal pa noon!"-ako
"mabilis nalang noon chief, November na, December, January..feb na."
"Saka Chief, patanong kung nag-eentertain siya ng mga suitors na gay!"- tsaka tumili pa. tawang-tawa kami kay Roldan na bakla.
Tsaka pumasok si Cupid.
"Ay, Chief.. wag na pala..andito na si Cupid eh"- tsaka niyakap ni Roldan si Cupid.
"Heh!"
Natawa kami.
"Cupid, si Matteo lang ba sa barkada niyo ang gaga-graduate this year?"
Tumango siya.
"si Paolo at Copper?"
"Ay, gaga-graduate na rin pala si Copper. Third year pa lang si Paolo chief, repeater yon."
Natawa naman ako. Naalala ko kasi Yugi. No wonder kung bakit ayaw niya si Paolo kay ate Yuma.
"chief,"- si cupid. Tumingin ako sa kanya. " mabait yang si Matteo."- sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. siya naman patawa-tawa lang.
BINABASA MO ANG
My weird girlfriend
RomanceUwaaaahhhhhhhhhh.... Ayaw ko sa kanya...kakatakot siya! pagkain niya atay, iniinom niya dugo. Tiinutulugan niya kabaong, laruan niya mga bungo! Ayaw ko sa kanya... Grabi ang kaba ng puso pag nakikita ko siya. Ta's nakita ko mukha niya, nakita ko m...
