Magulo talaga ang buhay

443 18 0
                                    

Kayla's POV

Bago ko pa matawagan si Yugi, dumating si ate Yuma.

"Hi!" bati niya. Pinilit kong ngumiti.

Nag-order siya muna ng Choco Frappe.

"Hey, you okay?" siya pero di ako sumagot.

Ta's napatingin siya sa video.

"Hey, jacket yan ni Yugi ah."

Ta's pinilay niya ang vid.

Pinanood niya at ako ulit.

Natapos na niyang panoorin ng tumingin siya sa akin. Nakakunot ang noo.

"Ang dami ng views. Is this a drama?" –siya

Umiling ako dahil di ko alam.

Napakunot noo siya habang napkitkit ng kanyang kuko sa hinlalaki.

May tinawagan siya.

Maya-maya pa, dumating na si Paolo. Gwapo nga ito, maraming nagkakagusto na classmates ko dito pero halata namang basagulero.

"Yuma, hi." –ang bait-bait dahil si ate Yuma ang kaharap.

"May ginawa ba kayong project nina Yugi?" diritsong tanong ni ate pagka-upo na pagka-upo lang ni Paolo.

"Wala naman" sabi ni Paolo habang nakatitig kay ate Yuma na parang sa isang iglap mawawal ang isa sa harapan niya.

"Paolo, do you have any info na about sa mysterious girl ni Yugi?" tanong ulit ni ate na parang di lang alam na nakikinig ako. Kunsabagay wala naman siyang alam sa nararamdaman ko para sa kapatid niya.

Parang sinaksak ng isamg milyong beses ang puso ko.

So tama nga, confirm na confirm na may special girl si Yugi! Alam ko naman 'yon kaso di lang talaga matanggap-tanggap ng kakarampot kung utak. Denedeny niya kumabaga ang info na yan.

"Ah...sorry, di ko pa natanong sa kanya eh...lagi kasi wala 'yon. Sa babae niya siguro napupunta."

Gusto ko silang patigilin sa pag-uusap. Hindi ba nila alam na unti-unti ako ditong namamtay? Hindi nga nila alam.

"Hey, is something wrong?" lingon sa akin ni Paolo.

Napalingon din sa akin si ate Yuma.

Tsaka niya ako niyakap. At doon ko lang din narealize na may mga luha na palang nalalaglag sa mata ko. Takang-taka naman si Paolo.

"She's not feeling well." Sabi ni ate kay Paolo.

Ta's inusog niya ang laptop ko sa harap ni Paolo.

"Do you know this?"

At pinanood naman ni Paolo.

Sa kalagitnaan palang, kitang-kita na naming na umiba ang mukha ni Paolo.

"My God! My God!" sambit lang nito.

"What is it, Paolo?" si ate Yuma na grabi ang kunot ng noo.

"Gosh! I cant believe it! How! Why? How did it happen?" –sabi ni Paolo na parang sarili niya ang kinakausap.

"What is it?" Napataas ng boses si ate Yuma.

"Yuma, balik ako. Kailangan ko lang masabi to kay Alex. Pahiram ng laptop,ah...ano nga ulit pangalan mo?..basta..I'll be back."

Ta's mabilis itong nakalabas ng café. Gusto pa sana sundan ni ate Yuma pero naiisip niya siguro ako kaya nag-stay siya.


My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon