Hero

525 24 0
                                    

Lei's POV

"Lei, I'll be late tonight kasi may tatapusin akong research sa School library."- sabi ni kuya.

Tumango ako.

"When you get hungry, the food's ready in the ref. Initin mo nalang."- siya.

Tumango lang ulit ako.

"Tomorrow pala pupunta ang mga maglilinis dito sa bahay but I told them naman na wag na linisin ang second floor. You'll be okay diba? Anyways andito naman ako, tomorrow."

Tumango ako ulit.

Parang aalis na hindi siya.

"Ahm...if there is something wrong, don't hesitate to call me at-"

"I'm fine Kuya."- sabi ko. Alam ko na hindi siya mapapanatag na umalis kung hindi ko siya i-aasure na okay lang talaga ako.

Tumango siya.

At hinalikan ako sa buhok at saka umalis.

Tinignan ko ang relos. Mag-aalas singko na.

Alam kong pala-aral si kuya pero kumpleto ang library namin sa lahat ng aklat na kailangan niya.

Napapansin ko din na minsan lumalabas siya at gabi na kung umuwi.

What's happening with him? May girlfriend na ba siya?

Alam ko na si Mavis lang ang naging espesyal sa kanya dati, pero hindi naman sila naging mag-on.

It's okay with me if Kuya likes someone. Sana hindi lang siya masasaktan because he's a good man. Better than others.

Tumunog ang cellphone ko.

Nakita kong nagtext si Yugi. Napangiti ako.

Ilang araw din na hindi siya pumunta dito dahil lagi maaga si kuya dumadating.

Siya: how are you?

Nireplyan ko.

Ako: Fine.

Siya: Would u beliv f I tel u, I miss u?

Napangiti ako. Totoo ba talaga? Miss na niya ako? Ako din, miss na rin siya.

Ako: would u lyk 2 visit me?

Siya: u'r Kuya's not there?

Ako: wla

Siya: I'll be there in 30 minutes

Napangiti ako.

Ako: Bring me something.

Ta's hindi na siya nagreply.

Naiisip ko, bakit kaya hindi ko lutuan si Yugi? Kaso hindi ko alam kung ano ang paborito niyang pagkain.

Tenext ko siya

Ako: What's your fav food?

Siya: Ipagluluto mo ako? ^_^. Kahit ano. Wag lang atay at dugo.

Napangiti ako na nauwi sa tawa.

Bumababa ako at pumunta sa kusina. Binuksan ko ang ref. Marami namang pagkain pero puro karne. Baka ayaw niyang kainin at akalain pa na karne ng tao.

Malapit lang naman ang palengke, bakit hindi ako bibili?

Nagdalawang isip ako.

Baka matakot ang mga tao sa akin.

Pero magbibihis nalang ako ng pinamili namin ni Yugi na damit.

Pero paano kung ako ang matakot sa kanila. Paano kung katulad ng dati...

Hindi lahat ng tao, masama.

My weird girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon