Chapter 2- We met again.

720 10 2
                                    

(Christine's POV)

"Huy tama na iyak magang maga na ung mga mata mo." Nandito ako ngayon sa bahay nila Jasmine ngayon tinext niya kasi ako sabi niya need niya ako, alam ko naman ang reason. Ano pa ba ang bago?

"Hindi ko kayang hiwalayan si Jheof!!!" Sabay iyak nanaman sya, naaawa na talaga ako sa babaeng to patay na patay kasi to sa halimaw na Jheof na yun eh 

"Jasmine naman eh. Hindi lang ito yung una, pangalawa at pangatlong beses na nangyayari! Pang-anim niyo na ata tong break up eh, hindi ka ba nagsasawang masaktan?"

"Hindi ako magsasawa kung para sa kaniya!!! Tintin tara punta tayo sa kanila." Hinihila niya ako ngayon papalabas ng kwarto niya, here we go again. Sa hilahan factor.

"Ano ba JASMINE!!!!!! Hindi ka aalis dito! Okay? Tama na nga yang pagiging tanga mo!!! Maawa ka naman sa sarili mo!!!" Sumigaw ako sa kaniya bago pa kami makalabas ng kwarto pero ito ang sinabi niya.

"Kung ayaw mo kong samahan.. Eh di wag!!" Tapos tumakbo siya papalabas ng bahay nyemas no choice nanaman ako! Eh di susundan ko nanaman sya, pangatlong beses na tong mangyayari na pupunta siya sa bahay nila Jheof para makipagbalikan.

Heto sinusundan ko siya.. umiiyak ng umiiyak, bakit kasi ang martyr nitong bestfriend ko kay Jheof? Hindi niya deserve yung impaktong yun!! Lagi niya nang pinapaiyak si Jasmine. Noon namin hindi siya ganito eh, ito hinigit ko ung braso niya..

"Umuwi na tayo!!" Sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinapakinggan naglalakad pa din siya ng mabilis. Ang putik pa naman sa daanan kakatapos lang umulan.

"Sinabing ayoko!! Bahala ka dyan." Tapos tumakbo siya ng pagkabilis bilis hanggang sa nakasakay na siya ng tricycle kainis naman to oh!! No choice ako. Sumakay din ako ng tricycle papunta kala Jheof ang dumi dumi ko na nga eh.

Ayun pagkadating ko sa bahay nila Jheof, nasa labas si Jasmine.. nagdo-doorbell!! Putspang babae talaga to. Matutusta ko to ng buhay!!!

"Jasmine ano ba!!!!" Tapos hinihila ko siya paalis buti na lang walang tao sa kalsada kundi nakakahiya nanaman tong ginagawa namin!!

"Chrisitine naman eh! Hayaan mo na ko, please!??!?!?!!" Tapos nasampal ko siya ng di oras sumosobra na kasi sa katangahan eh!! Inialis niya ung braso niya sa kamay ko at nagdoorbell nanaman. Ayun lumabas si Jheof nang naka-topless at may hawak na pagkaen. Naknangteteng oh!

"Jasmine?" sabi ni Jheof tapos inakap ni Jasmine si Jheof. "Ano ba Jasmine! Break na tayo diba? Pwedeng tigilan mo na ko please? Hindi na kita mahal!!!" Tapos tinulak niya si Jasmine ako naman sumugod hindi pwede to!!!!! Gag* siya!!!!

*PAKKKKKK!!!!!!!*

Yan makatikim ka ng sampal sa akin!!!

"Hoy ikaw lalake!!! Bwisit ka talaga kahit kelan!!!"

*PAKKKK!!!!!*

Sinampal ko ulit siya.

"Sana hindi ka na lang nakilala ni Jasmine!!!! Mamatay kana!!!"

"Sorry Tin. Minahal ko siya sobra alam mo yun pero kasi pwedeng magbago ang lahat. Sorry." Tapos yumuko siya at pinunasan ang mata niya sus pakitang tao! Lul! Ang drama mo! "Ayoko na kasing lokohin pa si Jasmine kaya nakipagbreak na ko. Sorry talaga." UL*L KA!!!!

"Jheof wala na ba talaga?" Si Jasmine ang nagtanong umiiyak siya ng umiiyak hinawakan ni Jheof ang cheeks ni Jasmine. 

"Wala na talaga Jasmine eh pinipilit ko namang mahalin ka ulit pero hindi na talaga. Sorry." 

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon