Chapter 68

234 3 0
                                    

“Para saan naman?” Gulat na tanong nila mommy.

Pumikit ako para pigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko, “Clark is leaving. He’s leaving me, mom.”

At kusa na lang talagang naiyak ako. Pakshet naman sa harapan pa ng magulang ko.

“So please mom.. I really need a private plane. Ieexplain ko na lang lahat pag naayos ko na to. Please daddy, I’m begging.” Mangiyak-ngiyak kong sabi.

 Iniisip ko pa lang kasi nakakapanlumo na. Biglaan ba ang alis niya o nakaplano? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Kaya ba nung last naming pagsasama e ang dami niyang paalala? Kaya kung makapagreact siya parang hindi kami magkikita ng taon? Dahil aalis siya?

Pero bakit hindi niya sinasabi sa akin? Dahil kasama si Chinie? Nagbago ba ang ihip ng hangin at si Chinie na ang mahal niya? Pero imposible, napakaimposible! Kasama ang buong pamilya niya e! Ano bang nangyayari? Magma-migrate ba sila? Bakit hindi siya nagpapaalam ng maayos sa akin? Maiintindihan ko naman yung reason niya e, pero bat ganto? Sa text niya sinabi.. akala niya madali para sa akin to? Na aalis siya? Hindi ko alam san siya pupunta. Wala akong alam na nagpaplano pala siyang umalis.

Akala ko ba papakasalan niya ko? Akala ko ba ayaw niyang mawalay sa akin? Akala ko ba hindi niya ko kayang iwan? Pero bakit siya nasa airport, may dala-dalang mga maleta. Tang*na. Pinapatay ako ng mga thoughts ko.

Finally, after effin hours nakarating ako sa Manila. Yes, pumayag sila mom at dahil nga mayaman kami kaya nakakuha kagad kami ng private plane. Mygad iba nagagawa ng pagmamahal ko sa mokong na yun. Ang mahal ng binayad nila mommy kaya.

Hindi na ko magkamaliw na makarating sa NAIA. 8am tumawag si Sheena at binalita yun... 1pm na, nandyan pa kaya siya? Kahit wala akong assurance kung nandyan pa siya tutuloy pa din ako! Kilala ko si Clark! He can’t leave me!! He just can’t leave without saying any words to me!

Tinawagan ko agad si Sheena...

“Sheena nasa airport ka pa ba?” Nanginginig kong sabi. Nasa taxi ako papunta na sa NAIA. Nakakagigil na nga gusto ko ng paliparin tong taxi! Nyemas!

“What did you took so long?! Fck! Kanina pa ko dial ng dial cannot be reached ka!”

“I’m here at Manila. Nasa airplane siguro ako nung tumatawag ka! Ano?! Nakita mo ba ulit si Clark!? Nakaalis na ba siya?” Humina ang pananalita ko sa huling sinabi ko.

“What the ef?! Andito ka agad sa Manila?! Oo nakita ko siya ulit! Talking with that bitch! Nakita kong frustrate na frustrate si Clark.”

“Fck Sheena! Ano ba kasing nangyayari?! Bakit siya aalis?! At bakit kasama ang bruhildang yun?!” Napatingin sa akin si manong driver. I dont fcking care! Bilisan niya ang pagpapatakbo ng taxi niya!

“Hindi ko alam! Hindi ko na siya nalapitan kasi...” humina ang boses niya. Bakit di niya nalapitan? Kasi? Don’t tell me? Naiyak na lang ako bigla.

“K-kasi?” Utal kong sabi.

“Lalapitan ko na dapat siya e. Kaso tumayo sila ng pamilya niya... Jasmine kasi... nakaalis na yata sila.”

FCK?! WHAT THE EFF?? Bigla na lang akong nanigas sa loob ko. Parang nananaginip ako. Totoo ba talaga to? Please... wake me up. I hate this dream :(

“No. He can’t leave me. He can’t...” Napahina ang boses ko, nawalan na kasi ako ng lakas para makapagsalita. Nasasaktan ako, sobra. Ang sakit sakit. Unexpected to.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon