57- PATAY!!!

297 3 0
                                    

Nasa byahe kami ng nag-vibrate ang cp ko.

Clark:

I LOVE YOU SO MUCH, JASMINE CORONA.

Napangiti naman ako dun. Ang sweet talaga.

Ako:

I LOVE YOU SO MUCH, CLARK ANDREW DE LEON.

Nandito na kami sa Alabang kung saan nandun ang office nila mom at dad. Main building na din ng business namin. 8pm na din ng gabi. Napakataas talaga ng bldg na to. Sarap magpahangin sa tuktok nito.

Papasok pa lang ako sa bldg ang dami ng bumabati sa akin ng, “Goodevening, young lady”

Sinabihan ko naman sila na wag akong tawaging ganun pero utos daw kasi Dad. Tss. So ngayong gabi magiging seryoso muna ako dahil business namin ang pag-uusapan kaya pinatawag ako. Last year nandito ako lagi dahil wala sila mom at dad for 8 months dahil nasa ibang bansa sila. Kaya praktisado na din kahit papano.

Hinatid pa ako ng secretary ni mom sa conference hall nila. Kumatok ang secretary sa pinto at pumasok. Pagkakita ko ayun nagmi-meeting sila. Kaya umupo na lang ako sa likod pero tinawag ako ni mom gamit ang hand gesture niya na umupo daw ako sa tabi niya kaya ayun umupo naman ako.

Naguusap sila about sa pagtatayo ng new restaurant dito sa Pinas bandang Palawan naman daw.

Nakakaboring dito. Tss. Kaya naman kinuha ko yung cp ko walang text si Clark baka busy na. *sigh*

Nang biglang nag-alarm ang cp ko!!

“I-silent mo yan” sita sa akin ni mommy tss! Bakit ba may alarm dito? Wala naman akong inaalarm dito ngayong araw e!!!

Nung tinignan ko reminder pala!! Ito nakalagay ‘Hoy check mo videos mo! Labyu! Clark to ;)’

Ano nanaman ginawa nun sa cp ko? Eto siguro yung pinagkakaabalahan niya kanina! Kaya naman kinuha ko ung headset ko at sinalpak sa cp ko. Buti na lang hindi ako sinisita ni mom na hindi nakikinig sa kanila. Hahahaha!

Nung pagpunta ko sa videos, pinindot ko agad ung video dito ni Clark mukha niya ung bungad e kaya ito siguro yun. Pagka-click ko...

Sa kwarto ko to ah? Kanina lang to baliw ata may message sa akin?

“Hoy Jasmine Corona!” panimula niya nakakatawa naka-topless pa siya dito!

“Hoy ikaw mag-iingat ka ah? Ilang araw din tayong di magkakasama kahit malapit bahay mo sa amin baka di pa din talaga tayo magkakitaan. Space lang mami need ko lang talaga ng oras para sa sarili ko, okay? Mahal na mahal kita. Wag kang didikit sa mga friends mong lalaki masyado ha? Hahaha sige na babye! I love you”

Tapos kiniss niya yung CP ko. Di ko tuloy maiwasang hindi kiligin! Hahahaha.

SWEET BOYFRIEND EVER.

Irereplay ko pa sana yung video niya kaso bigla akong kinalabit ni mom! Gulat ako kaya inalis ko headset ko.

“Po?”

“Why are you smiling? Hm? Ano pinapanood mo dyan?” namula ako bigla sa tanong ni mom nakakahiya pag nalaman niya -_____-

Pero bago pa ako makapagsalita bigla niya ng hinablot ang cp ko!! Mukha pa naman ni Clark ang front pic nun. Kahiya!

Natawa bigla si mom! “Haha your boyfriend is sweet ha?” aahhh mommy tigilan mo ko!

“Tss!” tas kinuha ko na sa kaniya yung CP ko nakakahiya buti di niya ni-play.

“We will have a dinner later with our big boss. Hehe. May ipapaalam kami sayo.”

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon