Chapter 76

216 2 0
                                    

Ewan ko kung ano ang nagtulak kay Clark para sabihin ang mga bagay na iyon.

“Ma’am hindi ka po ba talaga pupunta sa meeting?” Pang-walong beses ng tanong sa akin yan ni Mila. Ayoko kasing pumunta sa meeting na yun. Andun si Clark pati si mom.

“Masama nga ang pakiramdam ko. Timplahan mo nga ako ng kape.”

Umalis naman agad siya. Maiintindihan naman siguro ni mommy yun kung bakit hindi ako pupunta sa meeting. Tsk.

Kanina pa talaga naglalaro sa utak ko ang mga sinabi ni Clark. My boyfriend is evil? Anong dahilan niya para sabihin yun? Pero sasabihin niya ba ang mga bagay na yun kung walang katuturan? Ugh. Pinapasakit niya ang ulo ko. Hindi na nga ako nag-scan pa ng ibang photographer dahil hindi nakakapagfocus. Wala din akong gana kumain. Kanina pa ako nagiisip dito mula pagpasok ko eh alas kwatro na ng hapon. Naku naman.

Bumukas ang pintuan ng office ko at iniluwa nito si Mila na may dalang kape.

“Ano na ang nangyayari sa meeting?” Tanong ko.

“Maayos naman po. Tuwang tuwa po ang mommy niyo kay Sir Drew panay po ang picturan sa conference hall.”

Natuwa pa si mommy? Tss. Di niya ba naaalala yung pasakit na binigay sa akin nun?

Alas sais na. Nandito pa din ako sa office ko at nakaupo lang at nakahalumbaba. Iniisip ko pa din kasi yung sinabi ni Clark. I have this feeling na may ginawa nga si Dustin noon pero ewan ko kung ano. I need to talk with Clark and Dustin. Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng office ko.

“Oh Mila, bakit?” Mukhang hingal na hingal pa.

“Si daddy niyo po!!! Sinapak si Sir Drew!!!!”

Laglag ang panga ko, “ANO?!”

Dali dali akong tumakbo sa office na daddy! Fck! Anong ginagawa niya kay Clark?! Pagkadating ko dun kita kong kinekwelyuhan niya si Clark. Silang dalawa lang ang nandun!

“I trust you, Clark! Muntik ng magpakamatay ang anak ko dahil sayo!” Narinig kong bulyaw ni daddy kay Clark. Nalaman kasi ni daddy yung muntik na akong tumalon sa tulay nun, sinabi ni Dustin yun kay daddy nung nanliligaw siya sa akin. Kadahilanan na magalit ng sobra si Daddy kay Clark. Galit na galit siya dito.

“Sorry po. Hindi ko po intensyon---“ sasapakin na dapat ulit ni Daddy si Clark pero sumigaw ako!

“Enough, dad!!!” At nilapitan ko sila. Binitawan niya si Clark at sinamaan ako ng tingin.

“Kulang pa yan!” Sigaw niya. Nakakatakot talagang matakot si Daddy.

Tinignan ko si Clark at naaawa ako sa itsura niya. Putok ang labi niya at may dugo ang suot suot niyang longsleeves. “Daddy, it’s been five years! Hindi na issue yun ngayon! Let’s move on! Tama na!”

Tumalim ang tingin ni Dad kay Clark, “I know, Jasmine. Tinuruan ko lang ng leksyon to.”

Umirap na lang ako at dinaluhan si Clark, “Tara dadalhin kita sa clinic.”

Nakita kong ngumiti si Daddy, ngiting natutuwa. Problema nito? “Jasmine, five years na.. you still in love with this guy?” Tumawa pa si Dad. “Unbelievable.”

Pinandilatan ko si Dad, “Daddy! Hindi na no!”

Pero panay ang tawa ni Daddy! Pati si Clark natatawa na din! Potek! Kanina nagsasapakan ngayon nagtatawanan?! “Pumunta na kayo sa clinic at ikaw Clark, don’t you dare hurt my daughter again.”

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon