This is not the last chapter yet. May epilogue pa. Look at the right side. Ayan ang wedding day nila! Haha konting picture lang yan. They look so in love with each other, right?
---
Nandito kami ngayon sa Jollibee. Birthday celebration ni Marcus, four year old na siya. Lahat ng pamilya ko nandito pati ang barkada ko inimbita ko. Busyng busy ako sa pagpipicture sa kanila. Nakakatuwang makita na masigla na ulit ang pamilya ko. Tuwang tuwa si lola sa apo niya sa tuhod hahaha. Si Tita Hazel at Mommy tuwang tuwa din kasi napakaenergetic ni Marcus at napakakulit.
Nag-games sila, nagkantahan, sayawan, kainan, birthday wishes at bukasan ng regalo. Tuwang tuwa si Marcus sa mga natanggap niyang regalo. Lalo na si Pamy at Jerry sobrang saya nila dahil nabiyayaan sila ng isang munting anak. At alam niyo ba? 6 weeks ng buntis si Pamy. Nasundan na nila si Marcus.
Nakakainggit sila. Buti pa si Pamy may pamilya na, ako kaya kelan? Kelan ko kaya mahahawakan ang magiging anak ko? Ang kaso... wala pa din siya. Hindi pa din siya dumadating. Pitong buwan na akong naghihintay sa kaniya. Hindi ko iniisip na sumuko dahil siya nga hindi sumuko. Ako pa kaya? Pitong buwan pa lang naman ito.
“Didi let’s take a picture with Mimi!!” Hinihila hila ako ni Marcus papunta kay Chinie. Pinahawak ko ang DSLR kay Bang at dinaluhan sila.
“Bang! Picturan mo kami!” Singhal ko sa kaniya.
Kinarga ko si Marcus at hinalikan sa pisngi, “Happy birthday, Marcus!” Tumawa lang ito. Tumabi sa amin si Chinie bale nakaakbay siya sa akin at akap akap kami ni Marcus.
“One.. two.. three!” Bilang ni Bang at pinicturan kami. At nasundan pa ng maraming picture iyon.
“Happy family ha? Hahaha!” Panunukso sa amin ni Jerry. Nginisian ko ito.
“Ungas! Hahaha.” Tumawa na lang din si Chinie. Hindi na kasi kami naapektuhan ni Chinie sa tuwing tinutukso kami sa isa’t isa e. Sanay na kami.
Pumunta ako sa table nila Quio at kasalukuyan silang kumakain nanaman ng ice cream at mga french fries. Kumuha ako ng upuan at tumabi sa kanila.
“Di man lang ako niyayaya!” Singhal ko sa kanila at dumampot ako ng fries.
Tumawa sila, “Busy ka e! Hahaha wag ka ng magalala tinirhan ka naman!” Sigaw sa akin ni Sheena. Ingay talaga nito.
“Ohh kelan pala bridal shower mo?” Tanong ko bigla kay Tintin. Ikakasal na kasi sila ni Quio next week.
Kumunot noo nito, “Natanong mo yan? Sasali ka ba sa mga macho dancer?! Hahaha!” Sinamaan ko to ng tingin.
“Nagtatanong lang naman! Para makapag-chill kami sa bar ng mga to.” Binato ako bigla ng fries!
“Di ko pa sure kung kelan! Basta sasabihin ko na lang.” At ngumuya ito ng fries.
“Sino pala maid of honor? Wala si Jasmine. So sub na ako dyan?” Nakangising tanong ni Sheena. Si Jasmine kasi ang maid of honor. Pinipilit ni Tintin yun kahit alam niyang walang Jasmine na nagpaparamdam. Ako naman ang best man nila.
Umirap si Tintin, “Basta. Si Jasmine dun, okay? Wag niyo ng isipin yun. Basta si Jasmine doon.”
Nagtaka ako sa sinabi niya, “Paano? E wala nga si Jasmine. Baliw to.” Singhal ko sa kaniya.
Nagbigay ng bored na mukha si Tintin, “Ano bang pake niyo? Kayo ba ikakasal? Basta si Jasmine ang doon.”
“Hahaha wag niyo na pansinin masyadong namimiss ang bestfriend niya e.” Natatawang sabi ni Quio.
BINABASA MO ANG
Meeting you was Fate.
RomanceA LONG STORY of Clark & Jasmine. Meeting him was fate but does it lead us to forever? I am Jasmine Corona, and this is my story... This is PG13, I don't know what happened because the description of the story is RESTRICTED. Just some chapter was Re...