56- Panghahawakan ko yun.

311 3 1
                                    

“Siya ba si Chinie? Yung ex mo? Why are you lying?”

Nakatingin si Clark sa ibang direksyon. Ayaw niya kong tignan.

“Silence means yes.” saad ko ulit naiyak na lang talaga ako hays

Ilang sandali pa gumalaw si Clark at tumingin sa mga mata ko..

“Gusto mo akong maniwala sa lahat ng sasabihin mo diba? Ano pang sense para maniwala ako? Eh puro lies ang sinasabi mo sa akin, Clark!”

Sinuntok ko siya sa dibdib niya! Tuwing iniisip ko kung ano ang nangyari buong maghapon dahil magkasama sila nagagalit ako!

Ex yun ni Clark! Yung babaeng iniwan siya! Hindi ko man alam ang buong story nila pero alam kong minahal yun ni Clark! Halata naman diba?! Nung nasa baguio kami! Nung nalaman niyang nabuntis si Chinie! Muntik niya na akong galawin that time!

Kitang kita ko sa mata niya ung galit noong panahon na yun! Nakakainis!!! Ngayong nakita niya na si Chinie ano kaya naramdaman niya?!

Ngumisi si Clark talagang nakukuha niya pang gumanyan!

“Alam mo na pala ang lahat”

“Oo Clark alam ko! Pero bakit ka nagsinungaling kanina?”

Napahilamos siya ng mukha pati ako sinapo ko na lang ang noo habang balot ako ng kumot.

“Ayoko kasing malaman mo na dumating na siya. Ayoko kasing mag-away tayo pag nalaman mong siya yung kasama ko buong maghapon. Sasabihin ko naman sayo ang lahat eh pag maayos na ang sarili ko. Pag handa na ako. Dahil ako mismo Jasmine nahihirapan eh. Madami pa akong tanong kay Chinie gusto kong malaman ang lahat.”

Napailing ako sa sinabi niya.

“Bakit gusto mong malaman ang lahat? Mygad Clark! Four years na din ang nakalipas, right? Big deal pa rin sayo yun? Bakit ka nahihirapan? Bakit?!” sinuntok ko ulit siya sa dibdib!!

“Oo Jasmine. Big deal pa rin sa akin yun! Nabuntis siya ng di ko alam! Gusto kong malaman ang buong kwento nung nasa States siya! Gusto kong malaman yung ginawa ng Daddy niya sa Mommy ko! Dahil hangga’t di ko nalalaman yun para sa akin hindi pa din kami tapos. Hindi pa din totally close ang relasyon namin. Hindi pa din ako matatahimik.”

Anong ginawa ng daddy ni Chinie sa mommy ni Clark?

“Anong ginawa ng daddy niya sa mommy mo?”

“I don’t know the whole story. Pero sabi ni Pamy si Tito Josh, dad ni Pamy yung gumastos ng pampaospital ni mommy nung 50:50 siya sa ospital.”

WHAT?!

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ewan ko. Ang gulo gulo ng nangyayari.

Pero may gusto akong malaman kay Clark. May gusto akong marinig sa kaniya.

“Clark...” lumingon siya sa akin, “Nung nakita mo si Chinie kanina, ano naramdaman mo?”

Tumayo ang balahibo ko, kinakabahan ako ng sobra. Ano ang isasagot niya? Matatanggap ko ba ang sasabihin niya? Baka masaktan lang ako? Baka pagsisihan kong nagtanong ako sa kaniya ng ganun?

Hinawakan niya ang pisngi ko.

“Namiss ko siya. Gustong gusto ko siyang akapin nung oras na yun. Sabik na sabik ako sa kaniya that time, Jasmine.”

Laglag ang panga ko. It means? :( Bawat salita niya ang sakit sa dibdib, madrama na kung madrama. Ang sakit talaga.

“Pero... hanggang dun lang yun. Namiss ko lang siya. Pero wala na akong pagmamahal sa kaniya, kung meron man pagmamahal na lang bilang kaibigan niya. Pero naguguluhan pa din ako gusto kong malaman lahat ng nangyari, Jasmine.”

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon