51- Magpapaalam lang ako sayo (pt.2)

309 3 1
                                    

"Dun ko na itutuloy studies ko kasama ko si Lola umuwi si Tita magpapaaral sa akin dun."

biglang may pumatak na luha sa mga mata niya..

"Aalis ako para matakasan lahat ng sakit na nandito at para na din mahanap ko ang nawawalang ako."

"Gusto ko lang naman magpaalam" dagdag niya pa..

bigla niya akong nilapitan.. ung sobrang lapit..

hindi ako makapagsalita para bang umurong ung dila ko at ang gusto ko lang mangyari eh ung magsalita siya at magpaliwanag.

nagbuntong hininga si Jheof at tumitig sa akin..

"Salamat sa tatlong taon yun na talaga ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Wag mo kong kakalimutan ha? Kasi ako hinding hindi kita kakalimutan. Maghihintay pa din ako, Jasmine."

hinawakan ko ang kamay niya, tumingala ako sa basang basa niyang muka dahil sa luha..

"No Jheof.. wag mo na akong hintayin ayokong umasa ka pa dahil wala na tayo tapos na ang kwento natin. Wala na tayong part 2 kaya gusto ko pag punta mo ng Korea kakalimutan mo na ako at magsimula ka ng bagong buhay.. hanapin mo ang sarili mo gusto ko bumalik ang Jheof na nakilala ko noon."

hinawakan ko ang pisngi niya..

at pinunasan ko ang mata niya..

may part ng dibdib ko ang nasasaktan dahil bakit ganto, bakit umabot sa gantong punto si Jheof..

He's lost :(

"Sorry Jassy for everything, sorry-----"

naputol ang sasabihin niya kasi tinakpan ko ang bibig niya..

"No need to sorry. Matagal na kitang pinatawad."

nginitian ko siya..

"Magiingat ka dun." saad ko

"Ikaw din magiingat ka din dito ha? Matagal tagal akong mawawala or baka hindi na ako bumalik dito sa Pinas. Shit Jasmine, mamimiss talaga kita. Iniisip ko pa lang na nandun na ko, parang hindi ko na kaya."

"Kaya mo. Jheof kaya mo. Alam kong malakas ka at malalagpasan mo din to."

inakap niya ako bigla.. sobrang higpit ng akap niya.. habang naririnig ko ang bawat hikbi niya.. di ko maitanggi sa sarili ko, nalulungkot pa din ako dahil ganto ang kinahantungan namin.. never kong inexpect na dadating kami sa point na mawawala siya na mangingibang bansa siya.. pero ganun talaga, hindi lahat ng love story may happy ending..

Hinagod hagod ko ang likod niya..

"Shhhh tahan na. Everything will be fine. Maybe not today but eventually."

pero mas hinigpitan niya lang ang akap niya..

"Jasmine, I love you so much."

:(

his voice is crack.. I can feel the pain in his words :(

naiyak na ako bigla sa sinabi niyang yan, damang dama ko ang bawat pagbigkas niya..

nakakalungkot talaga..

"Jheof..."

yan na lang ang lumabas sa bibig ko at umiyak na din ako ng umiyak..

hindi ako umiiyak dahil sa relasyon naming natapos na kundi dahil sa nangyayari kay Jheof ngayon..

ang hina hina na niya, ramdam ko ang bigat ng damdamin niya..

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon