Bigla ako may naalala sa banat ni Dustin... si Clark. He used that banat nung birthday ko dun sa may garden ng St. Joseph. FCK.
“Heyy..” Dustin snapped me. Nagitlaan naman ako. Ngumiti ako ng pilit at tumayo sa hapagkainan. “Uyy may nasabi ba akong mali?” Sinundan niya ako sa kwarto, pumasok kasi ako sa kwarto niya.
“Wala. Nawalan lang ako ng gana kumain bigla.” Ewan ko ba, nawala bigla gutom ko eh halos kanina gutom na gutom ako.
“Tss. Sorry na kung may nasabi man akong mali.” Siya pa talaga ang nagsosorry, e ako na nga ung pabigat sa kaniya. Liningon ko siya at ayun nasa pintuan siya nakatayo habang nakasandal.
“Ako nga dapat ang mag-sorry kasi pabigat ako sayo. Tapos ito pa ginaganti mo eh halos dati hindi kita iniintindi, binabalewala pa kita.” Suminghap ako.
“Wag mo nang halungkatin ung nakaraan bagong taon na oh let’s move on, sana ikaw din mag-move on na.”
“Hindi ganun kadali yun, Dustin.” Nilapitan niya ako at itinaas ang chin ko.
“I know. Pero sana wag mo ng saktan ang sarili mo.” Nagpout ako.
“I will. Pwedeng favor?” I asked.
“Everything. Ano yun?”
“Samahan mo ko mamaya, bar tayo!” Ngiting ngiti kong sabi pero siya sumimangot.
“No. I won’t let you. Puro wild people ang nandun, ayokong mapabilang ka sa kanila. Mananahimik ka lang dito sa bahay.”
“Sabi mo everything!”
Pinitik niya ang noo ko, “Pwera sa mga bagay na hindi makakabuti sayo.” Inismiran ko na lang siya, “Saka magpahinga kana lang muna. Mukha kang zombie! Laki ng eyebag mo, namamaga mata mo, mukha kang pagod. Tss.”
“Dustin!” Napalingon ako sa labas ng kwarto, si Carmela...
“Oyy! Aga mo ah.” Sino kaya to? Laging nandito e.
“Hehehe. Walang ginagawa sa bahay e. Tara alis tayo!” Sabay hila nito sa kamay ni Dustin, girlfriend siguro?
“Ah eh, hindi ako pwede Carmela e.”
Nagpout bigla si Carmela, “Bakit naman? Hmp!”
“Walang kasama si Jasmine.” Napakamot sa ulo si Dustin.
“Ha? Okay lang ako Dustin! Uuwi na din naman ako maya maya. Go on may date ata kayo ng girlfriend mo.” Parang nagulat si Dustin sa sinabi ko habang si Carmela e namula.
“Hindi ko siya girlfriend. Baliw to.” Ngumisi siya.
“Ha? E ano?”
“Friend ko lang siya. Hindi mo na ba uubusin yung breakfast mo?” Aniya.
Umiling ako, nawalan talaga ako ng gana kumain bigla e. “Uwi na lang ako, Dustin.”
“Ihahatid na kita.”
“Kaya ko na sarili ko. Magtataxi na lang ako.”
“Ihahatid kita. Okay? Magbibihis lang ako. Wait mo ko sa sala. Carmela, samahan mo muna siya.”
Tumango naman si Carmela. Wala na akong nagawa kundi magpahatid talaga kay Dustin. Dumiretso kami sa sala ni Carmela andun si Faith nakahiga habang nanonood ng TV.
![](https://img.wattpad.com/cover/5464869-288-k950308.jpg)
BINABASA MO ANG
Meeting you was Fate.
RomanceA LONG STORY of Clark & Jasmine. Meeting him was fate but does it lead us to forever? I am Jasmine Corona, and this is my story... This is PG13, I don't know what happened because the description of the story is RESTRICTED. Just some chapter was Re...