“Chinie.. hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala kaming pera para makalayo. Saan kami pupulutin nito?” Sabi ko sa kaniya habang nagkekwentuhan kami dito sa labas ng apartment niya.
“Bakit hindi mo ilapit yan kay Jasmine? She can help you.” Aniya sabay inom ng softdrinks na hawak niya.
Nagbuntong hininga ako, “Ayaw ipaalam ng tatay ni Dustin ito kay Jasmine.”
“Huh? Anong reason?” Nagtatakang tanong niya.
“Hindi ko din alam kung bakit. Sabi niya, tutuluyan niya pamilya ko pag sinabi ko ito kay Jasmine. Ayoko namang mangyari iyon.” Nadedepressed na talaga ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Tuwing magkasama nga kami ni Jasmine, nalulungkot ako, paano na to? Pupunta siya sa Palawan, last three days ko na siyang makakasama at hindi ko na sigurado kung magkikita pa ba kami.
Umiling iling si Chinie, “Ang hirap naman ng problema mo, Clark. Don’t worry, I’ll help you.” Pag lingon ko sa kaniya, nakangiti siya sa akin.
“Huh?” Nagtatakang tanong ko.
“Uuwi na ako sa London sa new year, sumama kayo sa akin.”
Nagulat ako sa offer ni Chinie. But sa tulad kong tao na desperado, sumama kami sa kaniya. Patuloy na pasasalamat ang ginawa namin sa kaniya habang inaayos namin ang visa papuntang London. Nahihiya na nga ako minsan sa kanila ni Tito Josh dahil inaasikaso talaga nila kami. Nagkaroon nanaman ako ng utang na loob sa pamilya niya.
Tuwing pumupunta ako kala Jasmine grabeng kalungkutan ang nararamdaman ko. Ang hirap ipakita na nasasaktan ako kaso ayokong makita siyang umiiyak dahil sa akin. Masyado siyang precious para sa akin. Mahal ko siya sobra! Pero ito ata ang tadhana namin e, ano pang magagawa ko? Bwisit.
Nasa airport na kami ni Jasmine. Ihahatid ko lang siya dahil papunta na siya sa Palawan. Takte kanina pa ako hindi mapakali. Natatakot ako na naiiyak! Baka ito na talaga, ito na ang huli.
“Huy! Di ka mapakali dyan!” Untag niya sa akin. Dahil kanina pa ako lakad ng lakad!
“Gusto kong sumama!” Sigaw ko sa kaniya.
“Hahahaha. Gosh! Sabi ko naman sumama kana ayaw mo lang!” Hinampas niya ako ng bag niya. Nalungkot ako lalo. Mamimiss ko to.. ung pagiging amazona at brutal niya sa akin.
“Kung pwede lang, Jasmine. Kung pwede lang.”
“Kung pwede lang talaga. Sasama ako.” Napabuntong hininga na ako at napailing.
“Mabilis lang to. Tawag na lang ako lagi.” Tatawagan? Paano? E magkakahiwalay na tayo.
“Mamimiss kita. Sobra.” Sabi ko sa kaniya at pakiramdam ko may lalabas na sa mata ko anumang oras.
“Clark, aalis ka ba? Bakit kung makapagsalita ka parang iiwan mo ko? Kanina pa kasi yan sa rooftop pa lang. Ang dami mong bilin na parang mawawala ka.” Sana gawin niya lahat ng paalala ko sa kaniya no?
Nginisian ko na lang siya, “Wala. Oa lang ako.” At inakap ko siya ng sobrang higpit. Jasmine :(
Hanggang sa tinawag na silang mga pasahero. Ang hirap niyang bitawan. Ang sakit! Parang kalahati ng buhay ko unti unting nawawasak. Hindi ko binitawan ang braso niya. Ayoko siyang umalis. Ayoko!!!
“Clark.. aalis na ko.” Paalam niya. Hindi ko pa din siya binibitawan.
“Promise me, hindi ka maghahanap ng iba.” Pakikiusap ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Meeting you was Fate.
RomanceA LONG STORY of Clark & Jasmine. Meeting him was fate but does it lead us to forever? I am Jasmine Corona, and this is my story... This is PG13, I don't know what happened because the description of the story is RESTRICTED. Just some chapter was Re...