Chapter 72

210 1 0
                                    

“Congratulations!!!”

Napanganga ako sa nadatnan ko. Nandito lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko. Family, friends and blockmates. May malaking banner na ang nakalagay ay “Congratulations, Jasmine! You made it!”

May mga pagkain ding nakahanda na. Mukhang may party na magaganap. Akala ko iniwan nila ako kanina sa school yun pala nauna na sila sa bahay ko.

“Congrats, girlfriend.” Sino pa ba? Lumapit siya at binigay sakin ang boquet of roses. Inakap niya ako. “You really made it. I’m so proud of you.” Hinalikan niya ang ulo ko.

“Yiiiiieeeeeeeee!!!!” Pangangantsaw nila sa amin ni Dustin.

Kung bakit sila ganyan? Bakit may party sa bahay? Bakit may congratulations na banner? Nakuha ko na kasi ang dream ko. Grumaduate na ako kanina bilang summa cum laude. I made my parents proud! Naiiyak nanaman tuloy ako.

“Congrats, anak! Proud na proud kami sayo ng dad mo!” Inakap din ako nila mama at papa.

“Para po sa inyo to mommy at dad.”

Ngumiti si daddy, “You really have a goal. Aminin na natin, nadidistract ka minsan mag-aral dahil sa lintik na Clark na yan, diba? Pero you focus on your dream. Na-balance mo ng maayos lahat ng bagay at natutuwa ako sa na-acheive mo.”

“Dad. Gagawin ko ang lahat maging proud lang po kayo.”

Totoo naman eh. All this time siya pa din ang iniisip ko, oo nadidistract talaga ako minsan mag-aral pero I pursue my goal. Hindi dapat ako magpaapekto. Andyan ang kaibigan ko at pamilya, hindi nila ako iniwan. Sila ang naging inspirasyon ko para maabot tong pangarap ko.

Siguro nga iba ang pakiramdam kung nandyan siya pinapanood akong nagmamartsa at nagsspeech kanina sa harap ng mga tao dahil proud din siya sa akin. Pero let’s move on, wala na siya. Hindi ko alam kung paano ko nakayanang i-overcome ang fact na hindi na nga siya babalik, iniwan na niya talaga ako. Siguro dahil yun sa katatagan ko ng loob na kahit wala siya dapat tumayo ako at ibalik ang Jasmine na independent.

Umaasa pa ba akong babalik siya? Hindi na. Tinanggap ko na din na hindi na siya babalik. Wala na akong mapapala kung aasa pa din ako ng aasa, masasaktan at masasaktan lang din ako ng paulit-ulit. Ito naman ang hangad niya diba? Ang kasiyahan ko. Nagpapasalamat pa din ako sa kaniya kasi lalo niya lang ako pinalakas at pinatatag ang loob na huwag susuko sa kahit anong problema.

Napatingin ako kay Dustin na busyng busy sa pagkuha ng pagkaen at pakikipagharutan kay Faith. Yan yang tao na yan, kahit kupal siya hindi siya nagkamaling pasayahin ako sa tuwing naaalala ko si Clark. Minsan iniisip ko, bakit hindi na nga lang si Dustin ang mahalin ko? Na kahit nakakadiri at sasabog kami pag nagkataon, eh wala akong pakealam. Mahigit dalawang taon na siyang nandito sa tabi ko at ni minsan hindi niya ako binalewala, lagi akong espesyal sa kaniya.

“Tititigan mo na lang ba ako?” Aniya habang hawak hawak niya ang isang plato na punong puno ng pagkain, patay gutom talaga. “Kumain kana. Alam kong pagod ka.” Sabay abot sa akin ng plato niya, akin to!?

“Akin to? Ang dami naman!”

“Aarte ka pa? Baka kulang pa nga yan sayo.” Leche talaga to. Umirap ako at naupo ako sa dining table. Sinundan niya pa ako.

“Gusto mo kuhaan kita ng damit? Mukang di ka komportable sa dress mo.” Sabi niya habang nakadantay sa upuan. Speaking of dress, ang suot suot kong dress ay regalo niya sa akin.

“Sige. Hmmm, kuhaan mo ko short at shirt.”

Sa tinagal tagal ng pagkakaibigan namin nandito na siya minsan sa bahay nakatambay minsan napapadpad kami sa kwarto ko at siguro kabisado na din niya damitan ko. Pano ba naman kasi si kupal trip suotin mga damit ko tapos magmomodel sa harapan ko.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon