Chapter 62

346 4 3
                                    

Mga alas-sais na nung napagdesisyunan naming umuwi ni Clark. Naglakad lakad kami madalim na dito pero may flashlight yung cellphone niya kaya may liwanag din kami kahit papano.

“Hawakan mo ng mahigpit kamay ko.” Aniya. Madilim na kasi talaga dito. Hinawakan ko naman yung kamay niya agad ng mahigpit.

Madilim? Mukhang delikado sa lugar na to ah.. Hmmmm.. *EVIL SMILE*

Tahimik kaming naglalakad ni Clark pabalik. Madali lang naman makabalik kasi may sementadong lakaran dito means ito lang yung daanan na pabalik saka dito din kami naglakad kanina. Ilang minuto na kaming naglalakad tahimik lang talaga si Clark at nakahawak ng mahigpit sa kamay.

“Witwiw.” May sumipol sa amin, pagkatingin ko isang lalaki mula sa lugar ng nag-iinuman. Napalunok ako. Si Clark kasi tumigil at inis na inis ang mukha. Shet. Mapapaaway pa ata kami!!

“Gag* yun ah!” Untag niya, bibitaw sana siya sa kamay ko pero hinawakan ko ng mahigpit pati braso niya hinawakan ko na din.

“Hayaan mo na.” Umirap na lang siya at nagpatuloy maglakad.

“Tss. Bakit kasi ang ganda ganda mo.” Bulong niya pero narinig ko, kinilig naman ako dun!

 Nakalayo na din kami sa mga nag-iinuman kaya gagawin ko na yung plano ko. *EVIL SMILE*

“CLARK!! OUCH! SH1T!! MAY TUMUKLAW  ATA SA AKING AHAS!! SA PAA KO!! OMYGAD!!!”

Umupo ako sa daanan at nag-inarte. Hahahahahahaha. Yung mukha ni Clark alalang-alala. Namumutla. Hindi ko mapigilang hindi tumawa! Pero nakaka-enjoy eh. Sarap talaga asarin nitong isang to.

“Asan?! Asan Jasmine!? Sh1t!!!! Tara!!! Buhatin kita! Tae naman!!!” sabay karga niya sa akin.

“Clark~” pumikit pikit ako kunwari mamamatay na ko hahahaha! “Basta mahal kita, mahal na mahal kita. Paalam.” Tapos pumikit ako. PUTSPA!! Natatawa na talaga ako!! Hahahahaha!!!

“JASMINE?! JASMINE!!!” sabay yugyog niya sa akin, “JASMINE!!! ANO BA!!! HINDI MAGANDANG BIRO  TO HA!!! JASMINE NAMAN!!!”

Hindi pa din ako kumikibo pero alam kong natataranta na talaga si Clark! HAHAHAHAHAHA!!!

“JASMINE~” pumiyok ang boses niya, “TAE KA NAMAN!! WAG KANG MAGBIRO NG GANTO!! TINATAKOT MO KO!!!” Sabay takbo niya ng mabilis sobrang bilis!! Naramdaman kong may tubig sa mukha ko, luha niya ba to? Hahahaha!!

“TULONG!!! TULONG!!!!” ang lakas ng sigaw niya! Baka nga may tumulong sa amin dito at malamang nagbibiro lang ako!! SHET!! Kaya dumilat ako at tinakpan ang bibig ni Clark!

Oy!! Joke lang!!! Wag kang maingay!! Tulog na mga tao dito!!”

Kumunot ang noo niya, inirapan ako. Binaba niya ako. “Kung magbibiro ka sana yung hindi ako sobrang mag-aalala. Puta.” Tapos nauna siya maglakad sa akin.

HALA! Nagalit ko nga ata siya!!! Humabol ako sa kaniya, “Uy Clark!! Joke lang naman eh! Ang tahimik mo kasi kaya biniro kita ng ganun! Uy!!” Sabay hablot ko sa braso niya.

“Ano ba?!!?! Ikaw kaya ganunin ko!!” Tinulak niya ang braso ko, hala! Nagalit nga talaga!!! Kasi naman eh alam naman niyang sira ulo ako hahahaha!

“Dadi!! Sorry na oh!” Inirapan niya lang ako at binilisan pa ang paglalakad.

Tumakbo ako para maabutan siya, “Dadi!! Sorry na!!!”

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon