Chapter 42- Everything... just for you.

373 9 4
                                    

(DUSTIN'S FATE)

"A-aa-anong nangyari?!" kinakabahan na din ako.. sh*t!!!!

"Kuya sasama ako!!!" sabi niya dun sa nagaayos ng bed.. alalang alala siya sa kalagayan ni Clark..

Siguro hindi pa naman... *sigh* 

"Kaano ano mo sya?" tanong nung nurse.

"Boyfriend ko to." at umiyak nanaman siyang muli at pumasok sa emergency van.

Sumama din kami ni Faith sa loob.. ayokong iwan si Jasmine ngayon alam kong kailangan nya ng makakasama.. ng kaibigan.

"Dadi. Please hold on. Wag mo kong iiwan." tila iyak siya ng iyak.. ayaw niyang tumigil sa paghagulgol.

Sugatan si Clark at may nakasalpak na oxygen sa kaniya.

"Jasmine.. tahan na." sabi ko..

Hindi niya ko inimik, inilagay niya ang dalawa niyang palad sa mukha niya at umiyak nanaman siya ng umiyak :(

Pagkadating namin sa hospital...

Dinala agad si Clark sa emergency room. 

Habang si Jasmine panay ang hagulgol..

"Dustin.. si Clark!! Si Clark!!! Kasalanan ko to!!!"

paulit ulit niya yang sinasabi..

ayaw nyang magpapigil.. 

"Pag may masamang nangyari sa kaniya.. hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

mahal na mahal niya talaga si Clark... 

nilapitan ko siya..

lumuhod ako para makapantay siya..

"Wag mong sisihin ang sarili mo. Ginusto ba natin to? Diba hindi? Magdasal na lang tayo na sana walang masamang mangyari sa kaniya."

"Dustin.. di ko kaya kapag nawala si Clark."

:(

"I know. I know, just pray. Okay? Magiging maayos ang kalagayan niya."

Lumapit sa amin si Faith..

"Bespren. Patawag mo kaya dyan kay Jasmine ang parents ng boyfriend niya."

Oo nga noh.. gabi na din 11pm na. Baka nagaalala na ang parents niya.

"Sige sige. Salamat. Ikaw di ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na sa inyo."

"Oo nga bespren eh. Baka nagaalboroto na si mama sa bahay."

"Tss. Sige sige itext mo na sabihin mo kasama mo ako may emergency tapos ihahatid na lang kita pauwi."

"Okay sige."

Hinarap ko si Jasmine na nakapatong ang ulo sa balikat ko..

Kumakanta siya..

"You and I'll be safe and sound." 

ang ganda talaga ng boses niya.. 

"Jasmine..."

"Hmmm?"

"Tawagan mo kaya ang parents mo? Baka nagaalala na kasi sayo yun."

Bigla siyang napatayo..

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon