FINALE

287 5 4
                                    

Thankyou dahil nakaabot kayo sa part na to! Thankyou sa pagabang sa mga bawat chapters! Kayo ang inspirasyon ko mga readers! Kita kita tayo sa ‘WHY NOT ME?’ ni Dustin Gutierrez. Yes, may story si Dustin at Faith. Click the EXTERNAL LINK for the story. Thank you ulit! :) >:D<

---

“Hoy Clark Andrew de Leon! Bakit ngayon ka lang umuwi ha?! Aba aba! Kay bagong kasal lang natin ganitong oras ka na umuuwi hah?!?!” Panimula ko sa kaniya pagkapasok na pagkapasok niya ng bahay. Aba! Ala una na ng madaling araw!

Nakuha niya pang ngumisi sa akin! “Misis. Diba sabi ko malelate akong umuwi? Inasikaso ko yung papers para sa binili kong lupa para sa pagtatayuan ko ng studio. Diba? Sabi ko sayo wag mo na akong hintayin dahil gagabihin talaga ako.” Lumapit siya sa akin at hahalikan pa ata ako dahil ngumuso.

Inilayo ko ang pagmumukha niya, “Siguraduhin mo lang!”

Tumawa pa siya, “Hahaha! Ito talaga sa tingin mo mambababae pa ako sa lagay na to? Nako takot ko lang sayo!” Inakap niya ako bigla at kinulong niya ang mukha ko sa mga kamay niya. “Mahal kita at never kong magagawang lokohin ka, okay?”

Napangisi na lang ako sa sinabi niya, “Oo na. Nagaalala lang ako kasi ginagabi ka na ng uwi. Mahal mo naman ako diba?” Natawa ako sa sarili kong tanong haha.

Hinalikan niya ng mabilis ang labi ko at umiling, “I don’t just love you, you owns me, Jasmine. Completely.” Tumalikod siya sa akin at kinembot kembot niya ang bewang niya.

Natawa ako sa ginawa niya. May nakaipit kasing roses sa pants niya sa likod. “Thank you.” Sabi ko at inakap ko siya.

“You’re always welcome, I love you.” Aniya.

“Waaaaaaaahhhh!!!” Napatili ako ng di oras dahil binuhat ba naman ako bigla.

“Shhhh! Marinig tayo ng katulong.” Sabi sabay tawa. Binuhat niya ako hanggang kwarto namin at inihiga niya ako sa kama.

Dumapa siya sa tabi ko, “Mami, I want massage.” Nakapout niya sabi.

“Mukhang pagod na pagod mister ko ha?”

“Ugh. Yes, Mami.”

Hindi na ako umimik. Minasahe ko na lang siya, walang kapalya palya ang ganda talaga ng katawan ng Mister ko. Habang minamasahe ko siya bigla akong nakaramdam ng pagikot ng sikmura ko kadahilanan na tukmakbo ako papuntang CR.

“Uwaaaaakkk~” Buti na lang nasa bowl na agad ako ng sumuka. Bigla akong nakaramdam ng kamay na humahagod sa likod ko.

“Mami, napapadalas na ang pagsusuka mo. Kailangan na nating pumunta sa hospital niyan baka kung anong sakit na nakuha mo.” Aniya habang pinupunasan yung mukha ko ng basang towel.

Ang sakit ng ulo ko, ugh. “I think so. Punta na lang tayo sa hospital.”

Ngumiti si Clark at hinalikan ako sa leeg, “Alright. Goodnight na.”

Tumango na lang ako at inakap siya hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

We’re now one moth married. Sa Palawan kami nag-honeymoon, dinala ko siya sa mga pinuntahan ko noon doon. One week din kami doon at paguwi namin dito sa Manila, back to work na kami. Si Clark busy sa pagpapatayo ng studio niya, paminsan minsan may kumukuha sa kaniya para sa isang event at maging photographer, yung studio na naiwan niya sa London pinaasikaso niya na lang sa business partner niya doon. Ako naman office lang lagi.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon