Kanina pa ako kinukulit ni Dustin bakit daw ang tahimik ko. Hindi ako magdaldal. Mag-ingay. Andito kami sa starbucks. Kakatapos lang niya akong ipamili ng kung ano-ano sabi ko nga wag na may mga dress pa naman ako at heels pero sabi niya barya lang daw sa kaniya yung pinamili niya. Yabang. Tss.
Ayun hindi na ako mapakali kailangan ko din ata ng makakausap ngayon lalo na’t magkaaway kami ni Clark.
“Jasmine. Ano ba problema? Nag-away kayo? Sabihin mo na.” Pang-ilan na ba niyang tanong yan?
Umiling lang ako.
“Tss. Okay. Basta andito lang ako.” Sabay ngiti niya.
Ilangan minuto pa ang nakalipas. Ganun lang kami tahimik habang pinaglalaruan niya susi ng motor niya.
Grabe isang araw pa lang ang nakakalipas ha mula nung nanghingi siya ng space tapos nagkakaganto na ko? Paano pa kaya pag nagtagal to? Sh1t naman.
Nagbuntong hininga ako. Maybe kailangan ko lang talaga ng makakausap ngayon.
“Dustin. Kasama ni Clark yung ex niya. Alam mo yun? Masakit eh. Pero iniintindi ko na lang kasi may pinakiusap sa akin si Clark.” Ayun sinabi ko na sa kaniya hindi na rin mapakali dila ko eh.
Nang biglang nanlaki ang mata ni Dustin. What’s wrong?!
“Sinong ex?!!?!!” halos mapasigaw na siya! Anong meron?!
“Bakit ka sumisigaw? Si Chinie!” Napasigaw na din ako! Pinagtinginan tuloy kami dito! Tss!
Lalo pang nanlaki ang mata niya! Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
“Magkasama sila ni Clark, right?!”
Ano naman sa kaniya?! At bakit parang gulantang siya? Tumango tango ako.
“Dalhin mo ko sa bahay ni Clark. Please.”
“Ha? Bakit? Anong gagawin mo?”
“Yung ex ni Clark na si Chinie. She’s my ex, too.”
O____O
WHAT?!
SMALL WORLD HUH?!!??!!!
Ganun ba kaganda at kaakit yang Chinie na yan? Tssk! Unti unti na kong nabibwisit sa kaniya ha!
Dali daling nagdrive si Dustin. Nakakainis. Bat sila nagkakaganto ng dahil sa Chinie na yun? PUTSPA!!! KAINIS! BWISIT!
Una si Clark. Ngayon si Dustin naman? Baka pati sila Quio at Bang ex niya!! Bullsh1t!!!
“Dito na.” Sabi ko kay Dustin na kanina pa namumutla. Tss! Andito na kami sa bahay ni Clark. Really?!
Sa bahay talaga ni Clark tumutuloy yung Chinie na yun!! Ano bang itsura nun? Sa picture ko lang nakita e! Bwisit talaga. Naha-high blood ako sa kaniya ah!
Nag-doorbell si Dustin.
“Uwi na ko.” Paalam ko sa kaniya. Wala akong pake sa kanila ngayon!!
“No. Stay here.”
“Para san pa?” naisip ko din para sana pa ang pagpunta ko dito?! E reunion nila ni Chinie to!
Magsasalita pa sana si Dustin ng nagbukas ang gate. Si Clark ang tao.
Laki ng mata ni Clark nung nakita nasa harapan niya si Dustin siguro alam na din nito ang sadya. Tapos nung nakita niya ako tinitigan niya ako pero umiwas din ng tingin.
BINABASA MO ANG
Meeting you was Fate.
RomanceA LONG STORY of Clark & Jasmine. Meeting him was fate but does it lead us to forever? I am Jasmine Corona, and this is my story... This is PG13, I don't know what happened because the description of the story is RESTRICTED. Just some chapter was Re...