Confession of Jheof's feelings (part 2)

351 3 0
                                    

(Lahat po ng naka-italized ay FLASHBACK!)

"Ngayon sinasabi mo na mahal na mahal mo ko, sana noon mo pa sinabi yan nung gustong gusto ko pa marinig yan mula sayo. Ngayon kasalanan ko ba kung hindi ko na naiintindihan yan? Tandaan mo ikaw ang nagtulak sa akin papalayo sayo. At sana maalala mo, ilang beses akong nagmakaawang mahalin mo ulit ako. Oo nangyayari yun ngayon.. pero hindi na sa tamang panahon." 

namumula ang mukha niya pulang pula nagpipigil nanaman sya ng inis at galit :((

Hindi ko maexplain tong nararamdaman ko...

nakakainis ang sarili ko, hindi ko na talaga maintindihan to.

tama naman siya... naaalala ko yung mga panahon na nagmakaawa siya sa akin.

"Ayoko na kasing lokohin pa si Jasmine kaya nakipagbreak na ko.. Sorry talaga.." sabi ko kay tintin.. nandito nanaman kasi sila sa bahay -_-

"Jheof.. wala na ba talaga?" tanong sa akin ni Jasmine at hinawakan ko ang pisngi niya..

"Wala na talaga Jasmine eh.. pinipilit ko namang mahalin ka ulit pero hindi na talaga.. Sorry."

"Sino ung babae kanina? Siya na ba ung bago?"

"Sorry talaga.. Oo Jasmine, mula pa nung una.. siya na ang mas minahal ko kesa sayo."

*PAKKKKKK!!!!!*

Sinampal niya ako bigla... deserve ko to.

"Jheof.. saan ako nagkulang? *sniff* Lahat naman binigay ko na *sniff* sayo ah! Kahit ung pagkababae ko.. naibigay ko na *sniff*"

Napapalalim ang iniisip ko... :(

Lahat binigay niya.. LAHAT :(

Nakatitig siya sa akin...

Ayoko ng sayangin to, sasabihin ko na sa kaniya lahat ng kinikimkim ko.

"Jasmine sorry.. sorry patawarin mo ko. Ngayon ko lang narerealize ang lahat, napakabobo ko. Napakabobo ko."

sabay pikit ko at hilamos sa mukha ko.

"Jheof natatandaan mo pa ba? Yung lumuhod ako para lang balikan mo ko?" ngumisi siya... "How pathetic I am. Lumuhod ako Jheof nagmakaawa na balikan mo ko. Kahit ang salitang 'magpapamamatay ako' binanggit ko dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo. Pero sinayang mo!"

"Jheof *sob* san ba ako nagkulang? Binigay ko naman ang lahat ha *sob* kulang pa ba yun?" nakatitig lang ako sa kaniya habang sinusuntok niya ako sa dibdib.. hinawakan ko ang mga kamay niya..

"Jasmine.. hindi ka nagkulang, wala kang ginawang mali.. Sadyang nagbabago lang talaga ang lahat.. mahal ko kasi si Cherry noon pa.. bago pa maging tayo. Pero nung naging tayo, walang halong joke ikaw lang ang mahal ko pero last year nagkita kami ni Cherry.. Ewan ko ba pero bumalik ung feelings ko sa kaniya at para bang nakalimutan kong tayo pa pala.."

"No.. hindi to totoo. Hindi ko kaya....."

At hindi ko naman inexpect to.. Lumuhod siya sa harapan ko. Sht.

"Jheof.. I'm begging.. please balikan mo ako. Ibibigay ko ang lahat lahat sayo wag mo lang akong iwanan. Please Jheof.. Please nagmamakaawa na ako sayo.. niloloko ka lang ni Cherry pero ako nagmamahal sayo ng tapat. Jheof......"

humawak siya sa ulo niya... hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. halo halong emosyon na to.. ayokong makitang nagkakaganto si Jasmine.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon