Chapter 43- No worries.

343 9 1
                                    

Readers!! Kindly leave your comments after you read this chapter. Please. I want to know your side. 

***

(DUSTIN'S FATE)

Kakahatid ko lang kay Faith sa bahay nila ayun pinagsabihan lang kami na bakit inaabot ng ganung gabi. Tapos nagalit pa bigla kasi nalaman niyang nasa LCO kami nung nagkasunog kaya ayun medyo nagalit sa amin.

Diretso ako dito sa kama ko humiga.. ang sakit ng braso ko ngayon ko na nararamdaman ung kirot. Hayaan na dahil naman sa kaniya kung bakit to nagkaroon ng sugat.

Matutulog na sana ako ng biglang nagvibrate ang cellphone ko.. 

Faith is calling...

Napatawag to? Kakahiwalay lang namin ah? =____=

"Ano? Namiss mo nanaman agad ako? Tsk." bungad ko kagad sa kaniya hahahaha.

"Waw! Ang kapal ng mukha mo! Hahahaha." -____-

"Ano ba yun at napatawag ka? Bespren kasi pagod na ako at gusto ko ng magpahinga bukas na lang tayo maginisan." totoo naman pagod na pagod na ako noh naubos energy ko kanina pagbuhat kay Jasmine papalabas ng LCO.

"Nagtatampo kasi ako sayo."

Hah? anong nagtatampo?

"Ano?"

"Bingi ka ba?! Sabi ko NAGTATAMPO AKO SAYO!!!"

aww!! inilayo ko ang cp sa tenga ko ang ingay nakakarindin >.<

"Ano ba yan sumisigaw ka pa! Ano ba yun?!"

"Kanina sa LCO-----"

hindi ko na siya pinatapos pa.. alam ko na ibig sabihin niya..

"Sorry talaga Faith sorry talaga.. sobra kasi akong nagalala nung nakita ko si Jasmine na nakahiga dun na walang malay. Saka teka nga bakit ka nagtatampo? Binalikan naman kita ha?"

"Pero inuna mo siya."

ano bang sasabihin ko sa kaniya? :((

"Bestfriend, wag ka ng magtampo." :(

"Sus."

"Ito naman nagtatampo pa, parang bata lang."

"Hayy sige na nga. Tutulog na ko. Goodnight."

*tooot**tooot**tooot**tooot**tooot*

Sinubukan ko siyang tawagan pero binababaan niya ako. -_____- ano nanaman bang nakaen nun? Kanina naman bago kami umuwi sa kanila, okay naman kami tss topakin talaga.

(flashback)

Nakikipaggitgitan kami ni Faith dito kung paano makakalabas. Sh*t sobrang laki na ng apoy at ang usok usok na! Nawalan pa ng kuryente! Fck!

Papalabas na dapat kami nang maaninag ko ang isang babae na nakahiga sa sahig... ewan ko pero kusang lumapit ang paa ko sa babaeng yun. 

Naparanoid ata ako kasi nandito din si Jasmine baka kasi siya tong babae na to.. wala namang mawawala diba kung tutulungan ko na din tong babae na to kahit hindi si Jasmine..

Papunta na dapat ako sa babae ng mamalayan kong wala ng kamay na nakakapit sa braso ko..

"FAITH?!" sigaw ko.. sh*t!!! asan yun?!!?!?!!!!

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon