Chapter 71

213 1 0
                                    

Six months later...

“Jasmine! Ang kupad kupad mo!!!” Sigaw niya sa baba.

“I’m coming!!! Wait lang!!” At sinuot ko na ang sapatos ko. Pababa na ako ng hagdan at nakita ko ang kunot niya noo. Kinurot ko ang pisngi niya, “Nag-iinarte ka pa dyan, tara na!”

Hinawakan ko ang kamay niya at lumabas na kami ng bahay.

This is my first day in school. June na! Fourth year college na ako! Malapit na akong maka-graduate! Yes! Hahaha. Wala pa din sila mama dito sa bahay nasa Palawan pa din sila at apat na buwan pa bago sila umuwi. Bale ngayon ang kasama ko sa bahay ay puro katulong si Sheena kasi next week pa titira ulit sa amin.

“Tutulala ka dyan o sasakay ka?” He snapped me. Napangiti ako at sumakay na sa motor ni Dustin. Yeah, siya ang kasama ko ngayon. Naging habit na niya ang sunduin ako sa bahay at sabay kaming papasok. Kanina niya pa ako minamadali kasi late na kami. Tinanghali kasi ako ng gising, napuyat ako kagabi kausap ko kasi si Tintin sa skype at sa April na ang uwi niya. Tagal pa nga e.

“Text mo ko kapag break mo na. Sabay tayo.” Aniya habang naglalakad na kami papasok sa school.

“Hayan ka nanaman. Ako nanaman ang iniintindi mo, ayos lang ako Dustin. Andyan ang mga friends ko hindi nila ako pababayaan.” Kinuha niya ang bag ko at siya ang nagdala nun.

“Anong hindi iintindihin? You’re my girlfriend kaya intindihin kita.” Ngumisi siya at inikot ko lang ang mata ko.

“Ha ha ha. Dami kong tawa mga tatlo.” Inirapan ko pa siya at inakbayan niya ako bigla at siniksik ang ulo ko sa kili kili niya.

“Alam mo minsan iniisip ko, nabibilang ba talaga ang pagtawa? Takte.”

Umirap ulit ako, “Ewan ko sayo.”

Ako naiinis na talaga e. Kanina pa vibrate ng vibrate ang CP ko! Nandito ako sa room habang nagsusulat ng mga requirements ni Sir Flores habang istorbong tumatawag si Dustin sa CP ko. Ano bang problema nito? Tss. Hindi pa ako nasanay, simula nung nagbagong taon naging hyper siya at makulit. New year resolution niya ata. At naging habit na niya ang bwisitin ang buong araw ko.

In-off ko ang CP ko dahil masyadong istorbo. Alam ko kasing walang kwenta ang sasabihin niya! Magtatanong lang yun kung ano ginagawa ko, sasabihin niya bored siya. Tss! Kung hindi lang siya importanteng kaibigan sa buhay ko, tinapon ko na sa ilog Pasig yun e. Daig pa ang 6 yrs old kung mangulit.

“So, mamaya sasama ka?” Sabay lapag niya ng bag kong bitbit niya sa mesa.

“Of course! Sasama kami ni Faith!” Umupo kami ng sabay at binuksan ko ang pagkaing dala dala ni Dustin. A lunch from KFC! Yeyy.

“Okay. Mauna na lang ako dun magtaxi na lang kayo tas treat ko after.” Siya ang nagtanggal ng plastic sa kanin at nagbukas ng gravy ko.

“Yup. Basta galingan mo ha! Malaki laki ang kikitain mo. Hahahaha.” Mamaya kasi may karera siya ng motor at 200,000php ang maaari niyang mapanalunan.

“Oo naman basta sayo girlfriend.”

Umirap ako sa kaniya, “Alam mo isa na yan sa habit mo ang tawagin akong girlfriend! Ikaw nagbagong taon lang naging ganyan kana. Yung totoo, kailangan mo na bang dalhin sa mental?” Sabay subo ko ng chicken.

“Ha ha ha ha. Dami kong tawa mga apat!”

“Tamo pati pagbibilang ng tawa ginagawa mo na!”

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon