Chapter 77

242 4 1
                                    

WARNING: SPG ahead. This is my favorite chapter, so far :) 

Guys, i-play niyo yung soundtrack sa may gilid. Please :) Masarap basahin ang chapter na to habang pinapakinggan yung piano. Kasi nga isa to sa the best moment ni Clark and Jasmine! :) So enjoy reading guys! I hope you'll like this.

-

Pumasok kami sa unit ko akap akap ko pa din siya naririnig ko ang mahina niyang pagtawa.

“Para namang binagyo tong unit mo.” Sabay tanggal niya ng pagkakaakap ko sa kaniya. Nakanguso siya, “Hindi ka pa din nagbabago. Amazona ka pa din.” Sabay pitik niya sa noo ko.

Inirapan ko siya, “Paano mo nalaman ang tinitirhan ko?”

“Kay Mila.” Ngumisi siya, “Sorry sa lahat ng ginawa kong nakasakit sayo. Hindi ko naman ginusto na iwan ka at pabayaan dito.”

Umiyak ulit ako. Nasasaktan pa din kasi ako sa nalaman ko. Niloko ako ng taong minahal ko. Pinaikot niya ako sa kasinungalingan niya. Hindi ko maatim na kayang gawin ni Dustin ang gantong bagay.

“Hug me, Clark, and tell me that everything will be alright.” Sabay hikbi ko sa dibdib niya. Inakap niya ako ng mahigpit ang naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

“Everything will be alright, Jasmine, lalo na’t nandito na ako sa tabi mo. Hindi ka na masasaktan.”

Umiyak lang ako ng umiyak. Napakadamot ni Dustin para magawa ang ganung bagay, inisip niya ang kaligayahan niya, hindi niya inisip kung gaano ako maaapektuhan. Pinagkatiwalaan ko siya e pero nagkamali ako akala ko sobrang mabuti siya kaso may kademonyohan din pala siya. Hindi ko maatim na kaya niya akong saktan ng ganito.

Naramdaman ko ang unti unting paglalakad ni Clark. Nakaakap pa din ako sa kaniya kaya napapaatras ako. Tiningala ko siya at nakatitig siya sa akin, malungkot ang mata niya.

“Magpahinga kana. Alam kong pagod na pagod ka.” Aniya pero umiling ako. Patuloy siya sa paglalakad at ako naman paatras hinahanap niya ata ang kwarto ko.

“Baka paggising ko wala ka dito sa tabi ko.” Ewan ko kung saan ko nahugot ang salita na iyon pero yun ang nararamdaman ko gusto kong may makasama hanggang sa paggising ko, lalo na’t si Clark ang makakasama ko.

Ngumisi siya, “Diba sabi ko hindi na ako aalis? Magpahinga kana.”

Dahan dahan akong tumango at pumiglas sa pagkakaakap niya, binuksan ko ang kwarto ko akala ko hindi siya susunod pero sumunod siya hanggang loob. Humiga ako at kinumutan ako ni Clark at binuksan niya ang aircon. Nakapatay ang ilaw kaya binuksan niya ang lamp shade ko sa side table na nasa gilid ng kama ko.

Tinignan niya ang mga gamit na nasa table at kumunot ang noo niya nung nakita ang picture frame na may litrato namin ni Dustin. Nasa likod ko si Dustin nun at nakaakap sa akin, stolen shot yun, kaya hindi kami nakapose ng maayos. Nakapikit ang mata ko dahil sa tawa, may hawak akong hotdog na nasa stick nun at si Dustin na nakatitig sa akin habang tumatawa din. Ito ung oras na nagpiknik kami sa tagaytay, si Sheena ang kumuha ng litrato na iyon.

“You look happy with him. Akala ko nagmumukmok ka buong buhay mo nung wala ako.” Umupo ako sa kama at kinuha ang picture frame.

“You told me na kalimutan ka. Sabi mo kaligayahan mo kung mahahanap ko ang lalaking para sa akin at hindi ako papaiyakin. Sinabi mo din na, wag ko ng i-keep ang mga promise mo.” Yun ang sabi niya sa sulat na nakita ko sa kama niya.

Meeting you was Fate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon