“Jasmine...”
Kailangan kong maging pormal. Kailangan kong ipakita na hindi na ako apektado sa kaniya. Kailangan kong umakto na nakalimutan ko na siya. Kailangan kong iparamdam sa kaniya na ngayon lang talaga kami nagkita.
Umayos ako ng tayo at humingang malalim, this is it.
“Goodevening, Mr. Drew.” Ngumiti ako. A fake smile. Drew ha? Clark AnDREW.
“Goodevening, Ms. Corona.”
Dumiretso ako sa upuan kung saan nasa harapan niya. May mga nakalatag na picture doon at folder.
“Ma’am, order ko lang kayo ng coffee ha?” Bago pa ako makapagsalita nakatayo na siya. Putek, iwanan daw ako sa lalaking to?
Nakatitig sa akin si Clark. Naiilang ako kaya kinuha ko yung mga picture na nakalatag at inisa-isang tignan.
“Jasmine... kamusta kana?” Napatigil ako sa pagtingin ng picture. Hindi ko pa din siya tinitignan.
“Tama si mommy, magaganda nga ang mga shots mo.” In-ignore ko ang pangangamusta niya, gusto ko din siyang kamustahin pero ayoko. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko ang mga mata niya.
Hinawakan ni Clark ang kamay ko na ikinabigla ko. His soft hands, fck! FCK!!!
“Jasmine, I’m sorry.” Hinampas ko ang kamay niya para maalis sa pagkakahawak sa akin.
Hinarap ko na siya. Tss. Nag-iba na ang itsura niya, lalong gumwapo si Clark pero wala akong pake.
“My company need a photographer like you. Your pictures were really good and clear, so when you will visit our company?” Pagiignore ko ulit sa sinabi niya. Langya, hanggang maaari iignore ko lahat ng sasabihin niya about sa nakaraan.
Sa wakas, dumating na si Mila. Umupo siya sa tabi ko at tinignan din isa-isa ang mga picture.
“Wow. Ang ganda ng mga pictures na to!” Sige Mila, mag-ingay ka lang. Kesa ako ang makipag-usap dyan.
“Thanks.” Ngumiti si Clark.
Paano kaya natuto si Clark maging ganto? Eh IT ang kinukuhang course nito noon. Siguro nag-aral sa London.
Humigop ako ng kape, “Maybe tomorrow I’ll visit your company.” Tumango tango na lang ako.
Chineck ko din ang folder na dala dala niya. Naging successful si Clark sa London halata naman sa mga details na nandito, pati mga pictures talaga mapapa-wow ka sa ganda. Nararamdaman din kaya ni Clark tong nararamdaman ko? Mahal pa kaya ako ni Clark? Anong nangyari sa kaniya sa London? Ang dami kong gustong itanong sa kaniya kaso natatakot ako, natatakot akong malaman ang mga reason niya.
*CLICK*
Napatingin ako kay Clark. Pinipicturan niya ako!! Kumunot ang noo ko.
*CLICK*
Inirapan ko siya. Habang siya natatawa-tawa.
“Ang ganda ng boss mo.” Sabi niya kay Mila sabay pakita nung picture.
“Excuse me, Mr. Drew?!” Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi pa din siya nagbabago. Bakit ganto pakikitungo niya sa akin? He’s cool with me. Naka-move on na ata siya.
“Sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan na hindi magpicture pag may nakikita akong magandang tanawin.”
“You’re unbelievable.” Sabi ko at umirap sa kaniya. Tumatawa tawa siya habang tinitignan ung picture ko sa dslr niya. Kung wala lang si Mila dito, nagwala na talaga ako. Nakakainis. Parang hindi apektado.
BINABASA MO ANG
Meeting you was Fate.
RomanceA LONG STORY of Clark & Jasmine. Meeting him was fate but does it lead us to forever? I am Jasmine Corona, and this is my story... This is PG13, I don't know what happened because the description of the story is RESTRICTED. Just some chapter was Re...